Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
- Published on November 22, 2023
- by @peoplesbalita
NAIPAMAHAGI na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa P11 milyong halaga ng tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.
Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng food packs sa munisipalidad ng Don Marcelino at Sarangani sa Davao Occidental habang may 2,800 food boxes naman ang naipamahagi na sa bayan ng Glan, at General Santos City sa Sarangani.
Nagbigay din ng pinansiyal na tulong sa 2,317 residente mula sa bayan ng Glen at Malapatan, at General Santos City.
“The DSWD remains steadfast in our mission to provide timely and efficient assistance to communities affected by the earthquake,” ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez.
“Food packs and other essential items have been strategically prepositioned and are ready for immediate distribution,” dagdag na wika nito.
Samantala, makikita sa pinakabagong data mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa siyam ang naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes.
Ayon sa NDRRMC, walo sa naiulat na nasawi ay mula sa Soccsksargen at isa naman sa Davao Region.
Umabot naman sa 15 indibidwal ang naiulat na sugatan.
May kabuuang 12,885 indibidwal o 2,489 pamilya sa 43 barangay sa Soccsksargen at Davao ang apektado ng lindol.
Napinsala rin sa lindol ang 826 tahanan—729 partially at 97 totally—maging 118 imprastraktura, base sa NDRRMC.
Apektado rin dito ang kabuhayag ng 50 magsasaka at mangingisda sa Soccsksargen.
Naibalik naman ang power supply sa 21 apektadong lugar.
Dahil sa lindol, suspendido ang 14 klase at limang work schedules.
Naipaabot naman ang P11,612,558 tulong sa mga biktima, ayon sa NDRRMC.
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo (PH time) ang Philippine government officials na tiyakin ang patuloy na pagbuhos ng relief efforts para sa mga biktima ng nasabing lindol. (Daris Jose)
-
ROBI at ICE, eeksena sa ‘4th EDDYS’ ng SPEEd na gaganapin sa Easter Sunday
MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice). Tuluy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, 8 […]
-
DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD
TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes. Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus. “Hindi [s]iya classified as […]
-
PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry
HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya. “I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has […]