• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inakalang dahil buntis kaya sumasakit ang balakang: ANGELICA, nadiskubre na may bone death kaya sumailalim sa medical procedure

NAKALULUNGKOT at shocking ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang Youtube video.

 

 

Ayon kasi mismo sa aktres ay may sakit siya, na tinatawag na Avascular necrosis o bone death, na kinailangang isailalim siya sa medical procedure.

 

 

“I have Avascular Necrosis,” pahayag ni Angelica na inakalang ang pananakit ng kanyang balakang dati ay dahil lamang buntis siya noon sa anak niyang si Baby Amila Sabine.

 

 

Pero kahit nakapanganak na siya ay tuloy pa rin ang pananakit ng kanyang balakang kaya napilitan siyang magpatigin sa Asian Hospital.

 

 

Doon nadiskubre na may sakit siya na namamatay ang kanyang bone tissues dahil kulang siya sa supply ng dugo.

 

 

Sinolusyunan naman ang kanyang sakit sa pamamagitan ng isang medical prodcedure.

 

 

Lahad ni Angelica, “Nagawa na yung procedure kahapon. Nakapagpasok na sila, na drill na nila ‘yung hole papunta dun sa deadbone ko.

 

 

“Nilagyan nila ng plasma nang sa ganun ay magkaroon ng regrowth, mabuhay siya ulit, magkaroon ng blood flow.”

 

 

Nagpapakatatag si Angelica sa kabila ng kanyang sitwasyon.

 

 

“Minsan, I just can’t believe na, kumbaga at the age of 37, nagkaroon ako ng bone death, there’s something dead inside me.

 

 

“Patuloy ang pagiging positive na matatapos na yung kalbaryo dito sa nararamdaman ko dahil finally na pinpoint na namin kung ano talaga ‘yung sakit ko,” pahayag pa ng aktres.

 

 

***

 

 

TOTOO palang judge sana si Tito Boy Abunda sa Miss Universe na ginanap nitong Linggo sa El Salvador.

 

 

Pero nakakaloka dahil na-disqualify siya dahil sa isang tao… ang kandidata ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee.

 

 

Lahad ni Tito Boy, “Ako ay naimbitahan, but I was also disqualified from judging this year’s Miss Universe dahil I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee.

 

 

“Sa kanilang rules ay bawal iyon.”

 

 

Ayon pa sa King of Talk…

 

 

“I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy, Michelle got to the Top 10.

 

 

“We just have a lot of questions, but pagdating ni Michelle dito sana’y magkaroon tayo ng pagkakataong makausap siya nang personal.”

 

 

***

 

 

SA kabila ng mga nagagalit kay Allen Dizon bilang salbaheng Dr. Carlos Benitez sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay may clamor na sa ending ng serye ay sina Carlos at Lyneth (Carmina Villarroel) ang magkatuluyan at hindi sina Lyneth at RJ (Richard Yap).

 

 

“Hindi ko alam e,” pakli ni Allen.

 

 

“Wala akong idea talaga like yung tine-taping namin ngayon kaka-send pa lang kagabi ng script, hindi ko pa nababasa.

 

 

“Puro hand-to-mouth kami, e.

 

 

“Of course natuloy ang kasal namin pero after nun, siyempre magkakaroon ng mga away-away, mga conflict.”

 

 

Rebelasyon pa ni Allen nang tanungin namin kung totoong hanggang January eere ang kanilang show…

 

 

“March na! For now, March na. Pero hindi pa raw sure.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ilang taon na ring magka-loveteam: FRANCINE at SETH, nabigyan na ng pagkakataong magbida sa pelikula

    ILANG taon na ring magka-loveteam pero ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula ang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.   Unang nakilala at sumikat nang husto ang dalawa sa top-rating series na “Kadenang Ginto”.   Ngayon ay masayang-masaya raw ang fans ng tambalang FranSeth dahil magbibida na sila sa “My Future You” […]

  • LGUs may boses, bida sa UniTeam administration

    SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9.     Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan.     […]

  • VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello

    DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello.     Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey […]