• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaghahandaan na ang kanilang intimate scene: YASSER, inaming natulala nang maka-eksena si CLAUDINE

HINDI raw maiwasang matulala ng Sparkle hunk na si Yasser Marta nang maka-eksena si Claudine Barretto sa GMA primetime teleserye na ‘Lovers/Liars.’

 

 

 

“Ang dami ko pong nararamdaman. Kinakabahan ako, pinapawisan ang kili-kili ko, ‘yung mga kamay ko, tapos kinikilig ako. Sobrang laki pong achievement, syempre, to be paired with Ms. Claudine, sobra po akong nagpapasalamat,” sey ni Yasser.

 

 

 

Pinaghahandaan na raw ni Yasser ang magiging intimate scene niya with Claudine dahil nagkakaroon sila ng secret affair sa serye.

 

 

 

Hindi ito ang first time na gagawa ng love scene si Claudine sa lalakeng mas bata sa kanya. Sa pelikulang ‘Dubai’ noong 2005, si John Lloyd Cruz ang naka-love scene ng aktres.

 

 

 

“John Lloyd was very young then. And Yasser is a lot younger pa. Siguro pagpapawisan din ako kapag kinunan na yung intimate scenes namin ni Yasser,” tawa pa niya.

 

 

 

Feeling vulnerable daw ngayon si Yasser dahil kaka-break daw nila ni Kate Valdez. Naka-one year din daw ang relasyon nila.

 

 

 

Ang naging rason daw ng break-up ay nawalan sila ng time sa isa’t isa.

 

 

 

“Naging busy kasi kami pareho. I have ‘Eat Bulaga’ at itong teleserye. Kate is now taping for ‘Shining Inheritance.’ Yung usual na communication namin ay biglang nabawasan. Mas naging focus kami sa work kaya we decided to part ways para na rin sa careers namin,” pahayag pa ni Yasser.

 

 

 

***

 

 

 

THANKFUL ang Kapuso comedians na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon dahil napabilang sila sa 28th anniversary ng longest-running gag show on Philippine Television na ‘Bubble Gang.’

 

 

 

Kung noon daw ay hanggang TV lang at pinapanood at nakikitawa, ngayon ay dream come true kay Betong na nagpapatawa siya sa Bubble Gang.

 

 

 

“It’s a refreshing experience for everybody especially as we have new segments, live audience, and new cast members. Iba ‘yung feeling kapag may audience na nanonood kasi nakikita ko agad kung ano ang kanilang reaksyon. Mas nakaka-inspire na gawin ang trabaho namin,” sey ni Betong na naging Bubble Gang mainstay noong 2012.

 

 

 

Si Chariz ay noong 2010 pa naging parte ng ‘Bubble Gang’ at marami siyang natutunan sa pagpapatawa sa show dahil kay Michael V. na katrabaho rin niya sa ‘Pepito Manaloto.’

 

 

 

“Ang pangarap ko talaga is to grow with the show, na tumagal pa kami, and makapag-breed ‘yung show ng tagapangalaga hindi lang sa on cam artists kundi pati sa creative side. I believe marami ang nagmamahal sa legacy na ito nila Kuya Bitoy kaya I know hindi mapapabayaan ‘yung pinaghirapan nila ng 28 years.”

 

 

 

***

 

 

 

BUMIDA ang maraming Pinoy designers sa nakaraang Miss Universe 2023. Patunay lang na world-class ang gawa ng ating mga kababayan at in-demand sila sa iba’t ibang international pageants.

 

 

 

Si Mark Bumgarner na nag-design ng Apo Whang-Od inspired evening gown ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee.

 

 

 

Si Rian Fernandez ang gumawa ng gown ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel noong mag-host ito sa preliminary event at sa final walk nito as Miss Universe. Samantalang si Larry Espinosa ang gumawa ng gown ni R’Bonney noong mag-host ito ng National Costume segment.

 

 

 

Aklan-based designer Carla Fuentes ang gumawa ng evening gown ni Miss Universe Bahrain Lujane Yacoub.

 

 

 

Dubai-based designer Furne One ang nagdesenyo ng gold gown ni Miss Universe Egypt, Mohra Tantawyn. Siya rin nagdamit sa first-ever Miss Universe candidate ng Pakistan na si Erica Robin.

 

 

 

Laguna-based designer Louis Pangilinan ang nag-desenyo ng evening gown ni Miss Universe Malta Ella Portelli.

 

 

 

Si Boogie Musni of Misamis Oriental ang nagdamit kay Miss Universe Mauritius Tatiana Beauharnais.

 

 

 

Sina Anthony Ramirez at Jo Rubio naman ang nagdamit kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pag-anchor host nito ng event.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Victory Liner Grabs Campaign Asia’s Top Brand for Customer Experience

    With a rich history spanning 78 years in the transportation industry, Victory Liner, Inc. (VLI) has established itself as a premier service provider, renowned for its exceptional offerings. Recognized as Campaign Asia’s top brand for customer experience, VLI epitomizes unwavering commitment to excellence.        Over decades, the company has consistently set industry standards […]

  • PCOO, bumuo ng bagong panel para sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensiya

    OPISYAL na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sarili nitong Anti-Corruption Committee (ACC) bilang bahagi ng pagsisikap nito na sugpuin ang korapsyon sa ahensiya.     Sa isang simpleng seremonya Times Plaza Building sa kahabaan ng UN Ave. sa Ermita, Manila, inaunsyo ng PCOO ang kanilang partnership sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang […]

  • Mga ahensiya ng pamahalaan, handang tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng ‘Masagana’ program

    MAY apat na ahensiya ng pamahalaan ang sanib-puwersa ngayon para tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Eduardo Guillen na ang programa ay isang c”onvergence effort” ng  Department of Public […]