• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar

DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA)  na nakaapekto sa Northern Samar.

 

 

Nauna rito, nakatakda sanang  lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng sinasakyan ng Chief Executive.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng weather bureau na PAGASA  na nakaranas ang  Catarman ng mahigit na isang buwan ng pag-ulan sa loob lamang ng 24 oras, iniuugnay sa shear line,  “cold and warm air converge.”

 

 

Dahil sa weather disturbance, napilitang ilikas  ang mahigit sa  24,000 pamilya.

 

 

Mataas ang tubig-baha kung saan ang mga residente ay nakitang nakakapit  sa mga piraso ng kahoy at styrofoam ang iba naman ay napilitang lumangoy para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng presensiya ng  electric wires.

 

 

Sa isinagawang rescue operations, naranasan ng mga awtoridad ang kahirapan  bunsod ng malakas na water current.

 

 

Ginawa ang deklarasyon matapos na irekumenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa pinsala sa imprastraktura at mga ani sanhi ng malalim na pagbaha.

 

 

Samantala, may kabuuang  169 klase at  12 work schedules ang sinuspinde dahil sa masama at masungit na panahon. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa work kaya sila nagkahiwalay: ASHLEY, nahirapang maka-move on sa breakup nila ni Mayor MARK

    HINDI ipinagkaila ng Sparkle 10 star na si Ashley Ortega na nahirapan siyang maka-move on sa naging breakup nila ng ex-boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.       Pero marami naman daw natutunan si Ashley sa breakup na iyon. Mas natutunan daw niyang mahalin ang sarili niya.       “Aaminin ko […]

  • Kaya one teleserye na lang in a year: KATRINA, hinangaan sa desisyon na tutukan ang anak na may ‘mild autism’

    MARAMI ang humanga sa sinabi ni Katrina Halili na mas importante sa kanya ang maalagaan ang kanyang anak kesa sa tumanggap siya ng sunud-sunod na trabaho.       Na-diagnose ang unica hija ni Katrina na si Katie with ASD o autism spectrum disorder, isang “neurological and developmental disorder that affects how people interact with […]

  • Kahit nag-‘yes’ ay hahayaan pa rin na rumampang mag-isa: BEAVER, kinikiligan ang super effort na promposal kay MUTYA

    PINAGHANDAAN talaga ni Beaver Magtalas ang kanyang second ‘promposal’ kay Mutya Orquia, na leading lady niya sa pelikulang “When Magic Hurts” na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.     Nakita naming nakalagay sa program na may ‘special announcement’ na magaganap at pagkatapos ng mediacon ng movie, may mangyayari nga.     Nag-duet muna sina […]