US investments sa Pinas papalo sa $763-M ngayong 2023
- Published on November 28, 2023
- by @peoplesbalita
PAPALO sa $763.74 million ang magiging investment ng Estados Unidos ngayong 2023 sa oras na maisakatuparan ang Marcos trip pledges.
Kapag nangyari ito, nakikita na tatlong beses ang itinaas ng investment noong nakaraang taon.
“If the pledges generated by President Ferdinand Marcos Jr. during his last visit to the country come to fruition,” ayon kay DTI Undersecretary for Communications Kim Bernardo-Lokin sa isang panayam.
Sa ulat, nagtapos na kamakailan ang six-day official visit sa Estados Unidos ni Pangulong Marcos kung saan siya nagpartisipa para sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting. Umani ang Pangulo ng investment commitments na nagkakahalaga ng mahigit sa $672 million.
“This year, from January to August, we had seen $91.74 million in US investments. The trip of the president for this APEC had generated about $672 million as had been announced,” ayon kay Bernardo-Lokin.
“That’s a total of $763.74 million,” aniya pa rin sabay sabing “That’s three times what we saw last year.”
Tinuran pa ni Bernardo-Lokin na ang pagdagsa ng US investment sa Pilipinas noong nakaraang taon ay umabot sa $250.39 million.
At nang tanungin kung kailan maaaring makitang maisasakatuparan ang mga ‘pledges’ na ito sa aktuwal na direct investments, sinabi ni Bernardo-Lokin na ilan sa mga pangakong investment projects ay magsisimula sa 2024.
“The best way to put it is in terms of internet connection,” aniya pa rin sabay sabing “When you talk about connectivity, one of the first things the president and DTI Sec. [Alfredo] Pascual witnessed was for the agreement for the deployment of the first two internet micro-geo satellites.”
“Why do I raise this? Because these first two internet micro-geo satellites, the first one will be deployed by next year, that will be around the last quarter of 2024,” lahad pa rin ni Bernardo-Lokin.
Binanggit naman ni Bernardo-Lokin na isa sa mga pledges ay ang paglikha ng US manufacturing facility sa Pilipinas. Sa katunayan ay nagsimula na ang pre-feasibility studies ukol dito.
Samantala, inilahad naman ni Frank Thiel, pangulo ng American Chamber of Commerce of the Philippines, na inaasahan ng organisasyon ang malaking US trade mission sa March 2024, pangungunahan ni US President Joe Biden.
“It will be high-level executives, different industries will be looking to see if they can invest in the Philippines…” ayon kay Thiel sabay sabing “President Biden is actually directing the trade mission. He’s going to be supporting, organizing, that’s what we have been led to understand.” (Daris Jose)
-
2 tulak kalaboso sa P136K shabu sa Valenzuela
KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na nakatanggap ang mga […]
-
VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello
DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello. Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey […]
-
JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE
INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7. Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network. Binigyan ni Willie […]