• March 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS

TULOY ang  “Christmas Convoy” na inorganisa ng  civilian organization para  sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa  WPS  dahil sa security reasons.

 

 

“The National Security Council (NSC) met with the leaders of Atin Ito! Coalition last week where — after a constructive dialogue — there was a meeting of the minds in the planned civilian-led Christmas Convoy to the WPS,” ayon kay NSC spokesperson at  Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang kalatas.

 

 

Ani Malaya, kapwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang  civilian convoy sa  BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay  hindi ipinapayo sa ngayon.

 

 

“Nonetheless, the planned Christmas Convoy will pass through the general vicinity of Ayungin Shoal as far as practicable, on its way to other selected Philippine-occupied features to bring Christmas cheer directly to our troops assigned to those areas as well as to our fisherfolk,” ayon kay Malaya.

 

 

Aniya, ang  convoy ay bibisita  at magdadala ng pagkain sa mga Filipino troops sa Pagasa Island.

 

 

“There, Christmas gifts and donated supplies for BRP Sierra Madre will be turned over to the Philippine Navy-AFP (Armed Forces of the Philippines) and to the Philippine Coast Guard for delivery during the regular rotation and resupply missions. By visiting the other Philippine-occupied features, the Christmas Convoy will be able to visit a vast area of the WPS and bring Christmas cheer directly to more fisherfolk and frontliners,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran ni Malaya na tinitiyak  sa kasunduan ang kaligtasan at seguridad ng  convoy maliban pa sa pagtiyak sa napapanahong  paghahatid ng donated items sa mga  Filipino fisherfolk at front-liners sa WPS.

 

 

“This also upholds the Philippines’ sovereign rights to the WPS,” ayon pa rin kay Malaya.

 

 

“We thank Atin Ito! Coalition for their cooperation and for finding common ground with the government in asserting and defending our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in pursuit of the national interest,” ang pahayag ni Malaya. (Daris Jose)

Other News
  • Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo

    PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19.   Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay […]

  • Musical crime drama na ‘Emilia Pérez’, nanguna sa 13 nominasyon: KARLA SOFÍA GASCÓN, first trans actress na na-nominate sa Academy Awards

    INIHAYAG na noong Huwebes, ika-23 ng Enero sa Los Angeles ang mga nominasyon para sa 97th Oscars. Ang musical crime drama na ‘Emilia Pérez’ ay nangunguna sa lahat ng mga pelikula na nakakuha ng 13 nominasyon, kabilang ang makasaysayang pagkilala para kay Karla Sofía Gascón, ang first transgender performer sa kasaysayan ng Oscar na hinirang […]

  • Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom, bumaba – SWS

    BUMABA  ang bilang ng pamilyang Pinoy na nakakaranas ng gutom sa bansa sa ikalawang bahagi ng taong 2022.     Batay sa ulat ng Social Weather Stations (SWS), mula sa dating 3.1 milyon noong 1st quarter ng 2022 ay na­ging 2.9 milyong Pinoy na lang ang nakakaranas ng involuntary hunger o hindi nakakakain ng kahit […]