• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, magkakaroon ng 12 o higit pang bilateral talks sa sidelines ng COP28 — DFA

TINATAYANG aabot sa 12 o higit pa ang  bilateral meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng  Conference of the Parties o COP28 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Gayunman, sa press briefing sa Malakanyang, nilinaw ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresa Almojuela na ang nasabing  bilateral meetings ay “still subject of consultations.”

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang umalis si Pangulong Marcos patungong Dubai, Huwebes ng umaga para magpartisipa sa  COP28.

 

 

”At this point, these bilateral meetings re subject of consultations and I think we will have more clarity on which meetings will take place,” ayon kay Almojuela.

 

 

At nang tanungin kung ilang bansa ang magkakaroon ng pagpupulong kasama ang Pangulo, sinabi ni Almojuela na  “Maybe a dozen or more because some of these requests are made in the venue during the… at the sidelines so we are not sure this time. Right now we are working on a dozen bilateral meetings for the President.”

 

 

Tinuran pa ni Almojuela na ia-address  din ng Pangulo ang World Climate Action Summit kasama ang ibang lider.

 

 

“The first program of December 1 for the President is the opening of the Philippine Pavilion. Shortly after, he will be the keynote speaker in side event that we are organizing together with the Government of Kenya and the IOM Director General,” ayon kay Almojuela.

 

 

”This side event will be about the Philippines leading and pushing for a stronger global consensus, and the next is between climate change and migration,” ang pahayag pa rin ni Almojuela.

 

 

Aniya, mahigit sa  140 heads of states, governments at royalties ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa  COP28.

 

 

Kabilang naman sa magiging  agenda ay ang gawing mabilis ang energy transition, delivering at enhancing climate finance, at tiyakin and katatagan ng food systems.”

 

 

”I believe that the President’s engagements will reflect the priority that the Philippines attaches to all these thematic agenda of the conference,” ayon kay Almojuela. (Daris Jose)

Other News
  • MOU vs fake news tinintahan na ng Palasyo

    HANDA na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Project ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa mga partner na ahensya ng gobyerno nitong Lunes.     Pinangunahan ni PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang ceremonial signing ng MOU kasama ang […]

  • Velasco kay Cayetano: ‘Railroading’ at ‘flawed procedure’ ang ginawa nyo sa 2021 national budget’

    MARIING kinondena ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito dahil sa “pag-railroad” sa 2021 pro- posed P4.5-trillion national budget na nagresulta sa suspensyon ng plenary sessions hanggang Nobyembre 16.   Sinabi ni Velasco, ang ginawa ng kampo ni Cayetano ay salungat sa commitment nito na gawing bukas, […]

  • Ex-Pope Benedict XVI itinangging pinabayaan ang mga child-abuse case na kinasangkutan ng mga pari nito sa Germany

    WALA umanong ginawang hakbang si dating Pope Benedict XVI sa apat na kaso ng child abuse na kinasangkutang ng pari noong ito ay nakatalaga bilang arsobispo ng Munich, Germany.     Sa lumabas na ulat ng German law firm na Westpfahl Spilker Wastl na commissioned ng Simbahang Katolika Dalawa sa nasabing kaso ay naganap noong […]