• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘WHO nagpalit ng protocol; magdaragdag ng gamot sa Solidarity Trial’ – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may madagdag na isa pang off-labeled drug sa isinasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.

 

“Binago rin yung protocol, may bagong gamot na madadagdag, but we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol. Pero may arm ng isang gamot na idadagdag for that,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

As of September 7, mayroon na raw 1,009 moderate at severe COVID-19 cases ang ginagamitan ng gamot na remdesivir at interferon sa 24 na study sites sa National Capital Region, Baguio, Batangas, Cebu at Davao.

 

Katunayan, may paparating pa raw na higit 1,000 na dagdag vials ng nasabing mga gamot sa bansa mula WHO.

 

“Mayroon na ring new shipment ng remdesivir ay parating at interferon, nasa proseso na sila. This will be the third shipment of remdesivir to our country where we are going to receive 1,000 vials from WHO.”

 

Kung maaalala, ipinahinto ng WHO ang paggamit sa hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir bilang treatment drug dahil sa nakitang hindi magandang epekto nito sa ilang ginamitan abroad.

 

Samantala, hinihintay pa raw ng DOH ang pirma nina Health Sec. Francisco Duque at UP Manila chancellor Carmencita Padilla sa clinical trial agreement ng isa pang gamot na Avigan. Pati na ang pirma ng Philippine Council for Health Research and Development sa pondo ng trial.

 

Nabisita na raw ng mga opisyal ang itinakdang sites ng trial. Nakapagbigay na rin ng tableta ang kagawaran at nakapagsagawa na ng dry run.

 

“Hopefully with all of this, na talagang for signatures na lang, sana we can start for the coming days.”

 

Kabilang sa trial sites ng Avigan ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

Other News
  • Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

    NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.     Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]

  • Tokyo Olympics organizers, handang i-refund ang mga tickets

    NAG-ALOK ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan.   Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19.   Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre […]

  • BABAE, TINARAKAN NG PALABOY

    SUGATAN  ang isang 33-anyos na babae matapos na saksakin ng isang babaeng palaboy na kanyang nakaalitan sa harap ng LA Cafe sa may M.H Del Pilar Street, corner Salas Street, Ermita, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police Disteict (MPD)-Bocobo Police Community Precint ,ang biktima ay nakilalang si Annie Marcus,33  ng 2341-B, Dama De Noche […]