DFA, pinasalamatan ang Qatar, Israel at Egypt sa pagpapalaya sa bihag ng Hamas
- Published on December 1, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gobyerno ng Qatar, Israel at Egypt para sa kanilang pagsisikap na nagdulot ng pagpapalaya sa isa pang Pilipino.
Pinasalamatan ng DFA ang Estado ng Qatar sa pamamagitan ng pag-uusap na humantong sa pagpapalaya kay Noralin Babadilla, na nasa bihag ng Hamas sa Gaza sa loob ng 53 araw.
Ang Qatar din ang nakipag-usap para sa naunang pagpapalaya sa isa pang Pilipinong bihag na si Jimmy Pacheco.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang DFA sa Estado ng Israel sa pagsang-ayon sa mga kundisyon na nagpadali sa pagpapalaya kay Babadilla.
Kinikilala din ng DFA ang suporta at partisipasyon ng Egypt pati na rin ang International Committee of the Red Cross at iba pang international organizations.
Matatandaan na kamakailan ay inihayag ni Pangulong Marcos ang pagpapalaya kay Babadilla, na dumating sa panahon ng paghinto sa pakikipaglaban na napagkasunduan ng Israel at Hamas. (Daris Jose)
-
Taas-pasahe sa jeep, bus at taxi aprub na ng LTFRB
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon sa taas-pasahe sa Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJs) at Modern Public Utility Jeepneys (MPUJs) gayundin sa Public Utility Buses (PUBs), Taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS) . Sa pinalabas na desisyon ng LTFRB board, P1 provisional increase ang inaprubahan sa […]
-
PBBM, tinatrabaho na ang pagbabalik ng P10B pondo na tinapyas sa DepEd
TINATRABAHO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik sa tinapyas na P10 billion na pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee. “On the subject of the DepEd, we are still looking into it. I think it is contrary to all our […]
-
Ads May 11, 2023