• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 patay, 45 sugatan sa Marawi bombing

APAT  ang kumpirmadong patay habang 45 ang sugatan sa pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium Mindanao State University, Marawi City Linggo ng umaga.

 

 

Sa inisyal na report ni PNP-Police Regional Office-Bangsamoro Autonomus Region (PRO BAR Director PBGen. Allan Cruz, tatlo ang dead-on-the-spot habang isa ang namatay sa Amai Pakpak Medical Center. Nasa Code Blue ang nasabing ospital.

 

 

Ayon kay Nobleza, nangyari ang pagsa­bog alas-7:30 ng umaga habang nagmimisa na dinaluhan ng mga estu­dyante at guro.

 

 

Sinabi ni Nobleza na tinitignan din nila ang  anggulo ng paghihiganti matapos na mapatay sa operasyon ang nasa 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) kabilang ang lider nito noong Dis­yembre 1 sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

 

 

Naka-full alert status ang PNP sa lahat ng ­probinsiya na sakop ng PRO BAR.

 

 

Napag-alaman naman kay Police Maj. Gen. Emmanuel Peralta, chief of PNP directorial staff, improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog.

 

 

Nagsasagawa na ng post blast investigation ang explosives and ordnance (EO) units ng PNP at AFP mula sa mga nakuhang fragments ng 60-millimeter mortar ng IED. Inaalam na rin nila ang posibleng mga suspek sa insidente.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na malakas ang ebidensiya na ang pagsabog ay gawa ng “foreign element”.

 

 

Tumanggi muna itong magbigay ng impormasyon sa posibleng nasa likod nito upang maiwasan na ma-preempt ang imbestigasyon ng PNP at AFP.

 

 

Ani Teodoro, kailangan na sigurado ang mga awtoridad sa pagtukoy sa mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa insidente.

 

 

Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente at tiniyak na pananagutin ang nasa likod ng pagsa­bog. Aniya, isa na itong uri ng  terorismo.

 

 

Suspendido muna ang klase sa paaralan habang gumugulong ang imbestigasyon. Nagpakalat na rin ng dagdag security personnel para bantayan ang MSU. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Unity’ tema ng 19th Congress

    UNITY  o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos […]

  • US may mahigit 400-M doses na COVID-19 vaccine na donation sa buong mundo

    IPINAGMALAKI ng White House na umabot na sa mahigit 400 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang kanilang naipamahagi sa iba’t-ibang bansa.     Ayon kay White House Covid-19 response coordinator Jeff Zients mayroon pang dagdag na 3.2 milyon doses ng Pfizer vaccines ang kanilang ibinigay sa Bangladesh at 4.7-M doses naman sa Pakistan.     […]

  • DINGDONG, kasama na ni MARIAN bilang A-list endorser ng ‘Beautederm’; RHEA, tuwang-tuwa sa ‘ Celebrity Power Couple’

    WINNER ang pagsalubong sa 2021 ng Beautéderm dahil kasama na sa A-list endorser ang award-winning actor at director na si Dingdong Dantes bilang brand ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme.   Nag-uumapaw nga ang kaligayahan ni Ms Rhea Anicoche-Tan sa kanyang facebook post: “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!!   “I proudly welcome […]