• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, nagpalabas ng IRR para i-streamlined ang proseso para sa telco, Internet infra

NAGPALABAS ang gobyerno ng  joint memorandum circular (MC) na nagtatakda ng rules and regulations ng  Executive Order (EO) 32, na naglalayong i-streamline ang proseso para sa konstruksyon ng telekomunikasyon at Internet infrastructure.

 

 

Ang Joint MC 2023-01, naglalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng EO 32 ay nilagdaan ng Technical Working Group (TWG) on  Telecommunications and Internet Infrastructure na binubuo ng  limang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Ang mga signatories ay sina Secretary  Ivan John Uy (Information and Communications Technology), Manuel Bonoan (Public Works), at Benjamin Abalos Jr. (Interior and Local Government); National Telecommunications Commission Commissioner Ella Blanca Lopez; at Anti-Red Tape Authority Director General Ernesto Perez.

 

 

“These Implementing Rules and Regulations are hereby promulgated and issued as Joint Memorandum Circular No. 2023-01 to guide all concerned departments, offices, agencies, and stakeholders, in the implementation of EO No. 32,” ang mababasa sa  joint memorandum, isinapubliko araw ng Biyernes.

 

 

Nauna rito, nagpalabas si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  ng EO 32 noong Hulyo 4,  na naglalayong “to institutionalize a set of streamlined guidelines for the issuance of permits, licenses, and certificates for the construction of telecommunications and Internet infrastructure.”

 

 

Sakop ng EO  na i-streamline ang proseso para sa konstruksyon, installation, repair, operation, at maintenance ng infrastructure.

 

 

Sakop din ng kautusan ang lahat ng national government agencies at instrumentalities, kabilang ang  government-owned or -controlled corporations, at maging ang local government units (LGUs) na may kinalaman sa pagpapalabas ng “permit, lisensiya, clearances, sertipikasyon at authorizations.

 

 

Nilikha rin ng EO 32  ang  TWG  pagdating sa  Telecommunications and Internet Infrastructure na bumalangkas sa IRR.

 

 

Sa ilalim ng  IRR,  “a unified application form will be adopted, in which, preformatted form building permit applications shall be prescribed in all cities and municipalities in the country.”

 

 

Ang  mga maga-apply para sa building permit ay dapat na  i-require na magsumite ng property documents, technical documents, height clearance permits, at homeowners’ association clearance, kasama ng unified application form.

 

 

Para makakuha ng Certificate of Use at  Business o Mayor’s permit, ang aplikante ay kailangan na magsumite ng “certificate of completion, construction logbook, photocopy ng valid licenses, larawan ng istraktura, yellow card/clearance mula sa  electrical service provider, at kopya ng As-Built Plan reflecting changes at modifications.”

 

 

Itinatakda rin ng IRR  ang mga  requirements para sa pagtatayo ng  poles at konstruksyon ng underground fiber ducts; cable layout ng  existing poles at iba pang  physical infrastructure; at operation, repair, at maintenance ng passive telecommunications tower infrastructure (PTIIs), kabilang na ang distribusyon ng utility facilities.

 

 

Ang mga rules o alituntunin para makakuha ng  clearance mula sa ibang ahensiya ng gobyerno at ang local government’s adoption ng  EO 32  ay mababasa rin sa IRR.

 

 

Binibigyan nito ng mandato ang lahat ng lungsod na magtayo ng One-Stop Shop for Construction Permits, na mas makabubuti sa Office of the Building Official, na magbibigay ng front-line services sa mga aplikante na kumukuha ng building permits at iba pang sertipiko na may kinalaman sa telecommunications at Internet infrastructure.

 

 

Samantala, ipinagbabawal naman ng IRR  ang anti-competitive activities at inatasan ang mga ahensiya at  LGUs na magpatupad ng zero-backlog policy sa lahat ng aplikasyon para sa permit at clearance na sakop sa ilalim ng kautusan.

 

 

Ang  joint MC  ay magiging epektibo 15 araw matapos ang paglalathala , sa Official Gazette man o dalawang  national newspapers na may  general circulation, at mula sa paghahain ng  tatlong  certified copies sa  University of the Philippines Law Center. (Daris Jose)

Other News
  • Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW

    MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.     Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya.     Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral […]

  • NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na

    Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic.   Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9.   Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin.   Dagdag pa nito na […]

  • Diskriminasyon ng CHED sa hindi bakunado at bakunado walang basehan –Atty. Larry Gadon

    WALANG legal na basehan ang inilabas na order ng Higher  Education Institutions laban sa mga hindi bakunado  at hindi kumpletong bakunado  na mga mag- aaral ay labag  daw sa konstitusyon.     Sa isinagawang pulong Balitaan  sa tanggapan ng public  attorney’ office sa lungsod ng Quezon City sinabi ni Atty: Larry  Gadon, isang paglabag sa […]