• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dedicated ang speech sa fiancee at dalawang anak: Macaulay Culkin, nabigyan na rin ng star sa ‘Hollywood Walk of Fame’

NAGBABALIK din GMA si Michelle Vito na lumabas noon sa Kapuso teleserye na ‘Nita Negrita’ at sa teen drama series na ‘Reel Love Presents Tween Hearts.’

 

 

Kabilang si Michelle sa cast ng ‘Lovers/Liars’ kunsaan gumaganap siya bilang isang single mother na dumaan sa maraming pagsubok.

 

 

“Hindi ito ‘yung usual Michelle na napapanood n’yo rati, o ‘yung maarte o pa-cute o pa-tweetums. This one is more mature. Sobrang strong ng personality ng character ko because growing up marami siyang pinagdaanan sa buhay. Marami siyang pinasukan na work para lang makaraos siya sa buhay niya.

 

 

“As a single mom, lahat ginagawa niya para sa anak niya. Ang lahat nang ginagawa niya sa life, umiikot lang sa anak niya kasi iyon ‘yung naging buhay niya,” sey ni Michelle na nasanay nang gumanap na kontrabida sa mga nagawang teleserye…

 

 

***

 

 

SA wakas ay nabigyan na rin ng kanyang sariling star on the Hollywood Walk of Fame ang former Hollywood child actor na si Macaulay Culkin.

 

 

Sumikat si Macaulay dahil sa pinagbidahan niyang hit Christmas movie na ‘Home Alone’ noong 1990.

 

 

Naging in-demand siyang child actor at ginawa niya ang mga pelikulang ‘Home Alone 2: Lost in New York’, ‘Richie Rich’, ‘My Girl’, ‘Uncle Buck’, ‘The Good Son’, ‘The Pagemaster’ at ‘Getting Even with Dad.’

 

 

Sa kanyang speech, dedicated ang kanyang star sa kanyang fiancee na si Brenda Song at sa dalawang anak nila na sina Dakota (2) and Carson (1) na first time niyang pinakita sa public.

 

 

“I’d like to thank Brenda. You are absolutely everything. You’re my champion… You’re the best person I’ve ever known… You’ve given me family. After the birth of our two boys, you become one of my three favorite people.

 

 

“You’re somewhere in there. I love you. I love you so much. To wrap things up, and in the spirit of the holiday season. I just wanna say, merry Christmas, ya filthy animals!” sabay tawa pa ng 43-year old actor.

 

 

Present din sa ceremony ay ang co-star ni Macaulay sa Home Alone na si Catherine O’Hara at sinabi nito ay: “The reason families all over the world can’t let a year go by without watching and loving Home Alone together is because of Macaulay Culkin.”

 

 

Naroon din sina Seth Green, Natasha Lyonne at goddaughter na si Paris Jackson. Present naman ang kanyang mga kapatid na sina Rory at Quinn Culkin.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas

    PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.   “Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that […]

  • Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na

    WALA nang atrasan, tuloy ang laban.   Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11.   Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos […]

  • PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.     Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.     “Just this Saturday, during our situationer, […]