PBBM, in-extend ang termino ni Police General Acorda bilang PNP CHIEF
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa police force simula ng italaga noong Abril ngayong taon.
“I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” ang nakasaad sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos na naka-addressed kay Acorda.
Ipinaalam din kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abajos Jr. ang bagay na ito sa pamamagitan ng transmittal letter, may petsang Disyembre 1, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang “extension of service” ni Acorda.
Ang PNP ay isang attached agency ng DILG.
Sa pagpapalawig sa serbisyo ni Acorda, tinukoy ng Office of the President (OP) ang Executive Order No. 136, series of 1999, “which recognized the power of the President to approve the extension of service of presidential appointees beyond the compulsory retirement age for exemplary meritorious reasons.”
Pinangunahan ni Acorda ang PNP sa layuning ituon ang pansin sa mas epektibong police force gaya ng Personnel Morale and Welfare, Community Engagement, Integrity Enhancement, ICT Development at Honest Law Enforcement Operations.
Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Marcos si Acorda bilang pang-29 na “top cop” ng bansa sa isinagawang change of command ceremony sa Camp Crame, Quezon City noong Abril 24, 2023.
Iyon nga lamang, narating na ni Acorda ang 56-year-old compulsory retirement para sa PNP personnel noong Disyembre 3, 2023.
Si Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991. Nagsilbi siya sa PNP ng mahigit sa 37 taon. Siya ay naging director ng PNP Directorate for Intelligence bago pa naging hepe ng PNP. (Daris Jose)
-
EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany
PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany. Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si […]
-
DepEd, ipatutupad ang alternatibong learning modes sa panahon ng tigil-pasada–VP Duterte
SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, araw ng LInggo, Marso 5 na dapat na panatilihin ang alternatibong learning modes, kapuwa “in person” at online at ipatupad sa panahon ng nagbabadyang transport strike ngayong linggo na makapipinsala sa “learning recovery” agenda ng Department of Education’s (DepEd). Tinawagan naman ng pansin ni Duterte ang […]
-
Walang overcharging na nangyari sa gitna ng iniuutos nitong refund sa mga customers ng Meralco -ERC
BINIGYANG-diin ng Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha nito mula sa kanilang customers. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay diperensiya lamang […]