• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakagugulat ang kanyang rebelasyon: BEAUTY, wini-wish na maging maayos na ang sitwasyon sa kanilang mag-ina

KAGULAT-GULAT ang rebelasyon ni Beauty Gonzalez tungkol sa sitwasyon sa pagitan nila ng kanyang ina.

 

 

Naganap sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ang pahayag ni Beauty tungkol sa ina niyang si Carina Luche na nakatira sa Dumaguete.

 

 

Napaiyak si Beauty bago sinagot ang tanong ng King of Talk na, “I just want to ask you this dahil para maintindihan ng mga nanay, tatay, at Kapuso. Bakit minsan ayaw mong bumalik sa Dumaguete?”

 

 

Lahad ni Beauty , “Honestly, I’m trying to make a good relationship with my mom. So, that’s what I’m working out.

 

 

“I love coming home, you know, things are not always happy.”

 

 

Inihayag rin ni Beauty na isa sa pinakaninanais niyang mangyari ay ang maging maayos ang sitwasyon sa pagitan nilang mag-ina.

 

 

Umiiyak na pagbabahagi ni Beauty, “Lagi ko siyang mina-manifest. Yun ang tinuro sa akin ng monk e, when you wake up in the morning, you tell yourself na, ‘Mom, I love you, Mom, I miss you.”

 

 

At nang hingan ang ‘Stolen Life’ actress ng mensahe para sa kanyang ina…

 

 

“Hi, Mama Carina! I miss you.”

 

 

Kung anuman ang eksaktong rason sa mga nangyayari sa kanilang mag-ina, marahil sa tamang panahon ay ikukuwento iyon ni Beauty.

 

 

***

 

 

NAKATUTUWA na makalipas ang pitong taon ay patuloy na napapanood ang pelikulang ‘1st Sem’.

 

 

Unang ipinalabas noong 2016 at pinagbibidahan nina Lotlot de Leon at ng noon ay male newbie na si Darwin Uy, nito lamang Lunes, December 2 ay nagkaroon ang ‘1st Sem’ ng screening sa University of the Philippines Los Banos sa Laguna.

 

 

Ang nasabing event ay magkakatuwang na binuo ng mga estudyante ng UP Agribusiness Society (UPABS/BISOK).

 

 

At alam mo ba, my dear People’s Balita entertainment editor Rihn Romulo, umuwi dito sa Pilipinas mula Los Angeles California ang direktor at writer ng ‘1st Sem’ na si direk Dexter Hemedez para personal na dumalo sa film showing.

 

 

Present rin siyempre ang lead actress na si Lotlot nasa totoo lamang, habang muling pinapanood ang kanilang pelikula ay hindi napigilang maluha sa mga dramatic scenes sa pelikula, lalo na ang eksenang bilang si Precy ay nakaupo siya sa mesa at nagbabalik-tanaw noong nabubuhay pa ang mister niya.

 

 

Sayang nga lamang at hindi nakadalo ang isa pang direktor at writer ng pelikula na si Allan Michael Ibanez dahil may mga inaasikaso ito doon sa Amerika.

 

 

Si Darwin naman ay hindi rin nakarating, abala na yata ito bilang flight attendant ng Philippine Airlines at aktor ng Regal Entertainment at GMA.

 

 

After the screening ay nagkaroon ng mala—question and answer portion ang mga estudyante kina Lotlot at direk Dexter at matapos ito ay ang pagpapalitrato sa dalawa habang panay ang papuri sa pelikula.

 

 

Nasa ‘1st Sem’ rin sina Allan Paule, Miguel Bagtas at Sebastian Vargas Jr. at marami pang iba.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Bucor Director Bantag, suspendido

    SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.     “I went […]

  • Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’

    PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.   At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa […]

  • Pope Francis, nagpaabot nang pakikiramay sa sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR

    NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pope Francis sa sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinasa ng tanggapan ng Apostolic Nuncio sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Agosto 9.     Ang liham ay nilagdaan ni Msgr. Alessio Deriu, kalihim ng Apostolic […]