• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nanawagan ng “pagkakaisa” para matiyak ang full labor market recovery

NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pagkakaisa sa mga empleyado, labor workers, at iba pang  stakeholders para matiyak ang full recovery ng  labor market sa gitna ng economic challenges.

 

Ginawa ng Pangulo ang kanyang panawagan na ito sa  isinagawang “DOLE@90 Stakeholders’ Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat” idinaos sa  Philippine International Convention Center sa Pasay City, araw ng Huwebes.

 

Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin nito ang pangangailangan na lumikha ng mas marami at de-kalidad na hanapbuhay para makamit ang nilalayon nito na magkaroon ng “New Philippines.”

 

“As we pursue a progressive and inclusive Bagong Pilipinas, I thus call on everyone – employers, workers, government, and stakeholders alike – to remain united in ensuring the full recovery of the labor market,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati na binasa naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

“So, let us continue to work together to produce not only more jobs but also quality and meaningful employment that will uplift the lives and dignity of every Filipino worker,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagpo-promote ng mapakikinabangan na  employment opportunities at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa para sa 90 taon.

 

“This shows not only the enduring spirit of public service that prevails here at the DOLE, but also your steadfast commitment to ensuring full, decent, and productive employment for every Filipino worker,” aniya pa rin.

 

Kinilala naman ng Chief Executive ang awardees at government partners at  pinagtibay ang  labor protection at industrial peace bilang isa sa mga prayoridad ng administrasyon.

 

Nanawagan naman ito sa mga  awardees na panatilihin ang kanilang adbokasiya at magbigay ng inspirasyon sa bawat isa na lalo pang magsikap na magtayo ng “strong and resilient workforce.”

 

“Rest assured that promoting labor protection and industrial peace remain among the top priorities of this administration, as they are the keys to developing the full potential of our workers and harnessing their productivity towards nation-building,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Ang event ay bahagi ng weeklong celebration ng ika-90 founding anniversary ng DoLE.

 

Ang tema ng pagdiriwang ng anibersaryo ngayong taon ay  “Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas” at may kasama na pagsasagawa ng nationwide job fairs, pagpapalabas ng payouts sa mga benepisaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at Kadiwa ng Pangulo para sa mga Manggagawa.

 

Ang DOLE ay nagsimula bilang ahensiya noong 1908 sa ilalim ng  datng Department of Commerce and Police. Itinatag ito bilang departamento sa ilalim ng  Act 4121 noong Disyembre  8, 1933.
(Daris Jose)

Other News
  • Dini-discourage nga pero susuportahan pa rin: MIKEE, ibinunyag na pangarap ng PAUL na pumasok sa politika

    IBINUNYAG ni Mikee Quintos na pangarap ng kaniyang nobyong si Paul Salas na pumasok sa politika. Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, inilahad ni Mikee na mga lawyer at doktor ang propesyon ng mga miyembro ng kaniyang pamilya, at siya lang nag-iisang taga-showbiz. Dating mga konsehal at konsehala sa Maynila ang kaniyang mga magulang na sina […]

  • 10,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas; total 731K

    Pumalo na sa lampas 10,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.     Ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang 10,016 ang nadagdag sa COVID-19 cases ng bansa ngayong araw, March 29. Kaya naman umakyat na ang total sa 731,894.     “3 labs were not able to submit their data […]

  • PBBM, idineklarang Special (Non-Working) Day ang Hunyo 24 dahil sa Araw ng Maynila

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Special (Non-Working) Day ang araw ng Lunes, Hunyo 24, 2024 sa Lungsod ng Maynila.     Sa ipinalabas na Proclamation No. 599 na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na sa Hunyo 24, ipagdiriwang ng mga Manileno ang ika-453 […]