PBBM, magpapartisipa sa 50th Anniversary ng ASEAN-JAPAN RELATIONS – DFA
- Published on December 12, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG umalis si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo patungong Japan para magpartisipa sa ika- 50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.
“The President is leaving on the 15th for Tokyo to attend the 50th anniversary of ASEAN-Japan Relations,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu sa Malakanyang.
Sa press briefing, binigyang diin ni Espiritu ang kahalagahan ng pagdalo ng Pangulo sa ASEAN-Japan lalo pa’t ang Japan ay isa sa “first dialogue partners” ng ASEAN at ito rin ay “one of the most dynamic (partners).”
Idinagdag pa ni Espiritu na saklaw ng ASEAN ang usapin sa seguridad gaya ng “defense and transnational crime” at mutual legal assistance, mutual economic activities and cultural at people-to-people activities.”
“It’s a whole gamut of relations, and they were able to sustain and develop it through the years such that this year, they were declared comprehensive strategic partner of ASEAN,” ani Espiritu.
“And one of the objectives of this summit is exactly to announce the come upon of Japan as a comprehensive strategic partner of ASEAN – a thing that was already confirmed during the last summit of ASEAN in Jakarta,”dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Espiritu na malamang na magkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na aniya’y first official engagement ng Pangulo sa Japan.
Sa kabilang dako, binanggit ni Espiritu na wala pang karagdagang detalye ukol sa bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida.
Subalit sinabi nito na dadalo ang Pangulo sa isang hapunan kasama ang Prime Minister sa State Guest House, o Akasaka Palace sa Disyembre 16, na “first official ASEAN engagement” naman ni Pangulong Marcos.
Samantala, ang ASEAN ay idaraos sa Disyembre 17 kung saan tatalakayin ang ilang usapin kabilang na ang West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
DA at DOLE kapit-bisig para sa Kadiwa ng Pangulo
LUMAGDA sa isang memorandum of understanding sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi ni Laurel na sa ilalim ng kasunduan ay magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami pa ang Kadiwa Centers […]
-
THE DALLAS ZOO RE-NAMES ONE OF ITS NILE CROCODILES LYLE IN CELEBRATION OF COLUMBIA PICTURES’ UPCOMING “LYLE, LYLE, CROCODILE”
DALLAS, September 13, 2022 — In celebration of the release of Columbia Pictures’ motion picture “Lyle, Lyle, Crocodile” based on the beloved book series by Bernard Waber and starring Academy Award winner Javier Bardem, Constance Wu and Shawn Mendes, the Dallas Zoo re-named one of its Nile crocodiles Lyle for the day. The […]
-
Let the games begin! AARANGKADA na ang tinaguriang ‘the biggest show on earth’ tampok ang matitikas na atleta mula sa iba’t ibang mundo na magbabakbakan sa 2024 Paris Olympics.
Isang engrandeng palabas ang inaasahang ilalatag ng host France sa programang magsisimula sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila). Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River. Aabangan ng sambayanan […]