• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ama timbog sa drug bust sa Valenzuela

MAGKASAMANG isinelda ang mag-amang sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jun”, 47, machine operator at kanyang anak na si “Jayvee”, 21, kapwa ng Lamesa St., Brgy. Ugong.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-11:40 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Resty Mables ng buy bust sa Que Balag St. NLEX Service Rd., Brgy. Ugong.

 

 

Nagawang makaiskor sa mga suspek ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, buy bust money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

Ayon kay PSSG Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 28, 2022

  • Ads January 17, 2020

  • DOTr: 76-km bike lane nilunsad sa CALABARZON

    NAGKAROON ng groundbreaking ceremony sa Lipa City, Batangas ang 76-kilometer ng Class 2 at 3 bike lanes na siyang magdudugtong sa mga lungsod ng Lipa, Antipolo, Cainta, at San Mateo sa Rizal.       Ang nasabing bike lanes ay inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2024. Inaasahan naman ng Department of Transportation na magkakaron […]