Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra
- Published on December 13, 2023
- by @peoplesbalita
MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.
Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng 2,779 land titles sa 2,143 ARBs, mayroong 2,903 ektarya ng agricultural land sa City of Passi, Iloilo.
“In the same manner, ito nga ‘yung aking sinasabi ang pag-deliver ng mga fertilizer, ng mga makinarya, mga facilities, ay makakatulong upang makamtan natin ang ating hinahanap at ang ating pinapangarap na magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga sinasaka at para sa susunod na henerasyon,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“With the distribution of these titles in Western Visayas, in other areas, we are set to exceed our nationwide target for land distribution for the year 2023. So para sa akin, ito na ang pinakamagandang Christmas gift para sa ating lahat,” aniya pa rin.
Ang mga ipinamahaging land titles ay nagmula sa Support to Parcelization for Individual Titling (SPLIT) Project. Kabilang dito ang 2,687 titles na mayroong 2,784 ektarya, inilaan para sa 2,062 ARBs, at maging ang 92 titles para sa bagong lupain na mayroong 118.7 ektarya, ipinamahagi sa 81 ARBs.
Matatandaang, nitong Hulyo, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang New Agrarian Emancipation Act, na naglalayong payagan ang amortization ng “principal payments, interest at penalty” ng lupain na tinaniman ng mga magsasaka.
“The new law, or the Republic Act No. 11953, will benefit 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) as it writes off P57,557 billion of their loans,” ayon sa ulat. (Daris Jose)
-
Kumpanya ng parmasyutiko nagsampa ng cyberlibel laban kay Dr. Leachon
NAGSAMPA ng cyberlibel charges ang Pharmaceutical Inc. sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Dr. Antonio “Tony” Leachon. Sa isang press conference sinabi ni Atty. Alex Avisado Jr. na magsasampa sila ng kaso laban sa mga malisyosong paratang ni Leachon. Ang mga paratang ni Leachon sa Bell-Kenz ay labis na […]
-
Mahigit sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisyaryo ng confidential funds walang record sa PSA
MAHIGIT sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisaryo ng confidential funds na ipinamahagi Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). inihayag ito ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee […]
-
Sandoval mapalad sa dyowa
SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II. Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan. […]