• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.768 trilyong 2024 budget nakatuon para paangatin buhay ng Pinoy – Romualdez

ISA UMANONG maha­lagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024.

 

 

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagta-trabaho ng Senado at Kamara na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang bersyon.

 

 

“Ang badyet ng 2024 ay nakatutok sa pagsugpo ng inflation, pagtulong sa mga mahihirap, at pagpapalakas ng mga pangunahing serbisyong panlipunan,” sabi ni Romualdez, na idinagdag na karamihan sa mga alokasyon ng badyet ay mga “legacy” at prioridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Sa puso ng badyet ng 2024 ay ang layunin na mapabuti ang pagkain, trabaho, kalusugan, edukasyon, at pabahay para sa mamamayang Pilipino,” sabi ni Romualdez.

 

 

Sinabi rin ng Speaker na ang pagtanggal ng Confidential at Intelligence Funds, na kinikilala bilang potensyal na pinagmumulan ng katiwalian, ay nagpapakita ng pangako sa pagsusuri at mabuting pamamahala.

 

 

Iniisip anya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tatlong Legacy Projects: Legacy Food Security, Legacy Specialty Hospitals, at Legacy Housing para sa mga mahihirap.

 

 

Itinakda rin ang 2024 budget upang suportahan ang mga magsasaka tulad ng patubig, libreng binhi, abono, at iba pang ka­gamitan. Ang pamumuhunan sa imprastruktura ng irigasyon ay mag-aambag sa mas mataas na produksyon ng pagkain.

 

 

Sinabi rin ni Speaker na nagsimula na ang ­konstruksyon ng mga specialty hospital, na may alokasyon ng P1 bilyon bawat isa para sa mga kilalang institusyon, kabilang ang PGH, National Kidney Center, Philippine Children’s Medical Center, National Cancer Center, Bicol Regional Medical Center, at specialty hospitals sa Batangas, Cavite, at Laguna.

 

 

Siniguro rin ng badyet ang patuloy na pagbibigay ng libreng pagpapagamot, dekalidad na serbisyong ospital, at gamot para sa mga kababayan nating nangangailangan. (Ara Romero)

Other News
  • IATF, hangad na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers

    HANGAD ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na iklian ang isolation period para sa mga fully vaccinated health workers ng limang araw.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na itinalaga ng IATF ang Department of Health na mag- produce o gumawa ng specific […]

  • P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado

    MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023.     Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.     Sa pagsisimula […]

  • PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR

    KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya  Ramos.     “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]