• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos sa El Niño task force na tiyakin ang “steady water, power supply”

IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa El Niño Task Force na tiyakin na magkakaroon ng “steady water at power supply” sa buong weather phenomenon.

 

 

Ibinigay ng Pangulo ang kanyang direktiba sa isang pagpupulong kasama ang mga key officials sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“Mitigating the effects of El Niño remains a top priority,” ang winika ng Pangulo sa  kanyang  Facebook post.

 

 

“We’ve directed our Task Force to consolidate government interventions and ensure a steady supply of water and energy resources throughout El Niño next year,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sa hiwalay na kalatas, sinabi naman ni Communications Secretary Cheloy Garafil na ipinag-utos ng Pangulo sa  task force na pagsama-samahin ang lahat ng mga hakbang para pagaanin ang epekto ng of El Niño, inaasahan na magtutuloy-tuloy hanggang sa pagtatapos ng second quarter ng 2024.

 

 

Tinuran ni Garafil na nais ni Pangulong Marcos ang malawakang  information campaign na makapagpapa-alala sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.

 

 

Sa kabilang dako, ipinag-utos ng Pangulo na paigtingin ang pagsisikap at tiyakin na napapanahon ang pagpapalabas at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar.

 

 

“The President stressed the need to prioritize efforts based on short-term and long-term interventions of the government,” she said. “Marcos also told officials to encourage the public to take part in the government efforts,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Giit ng NTF ELCAC: Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi red-tagging

    “WE are not red-tagging; we are truth-telling.”   Ito ang sinabi ni The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) executive director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa roundtable discussion na inorganisa ng Ateneo de Davao University noong Oktubre 11.   Sa katunayan, ang NTF-ELCAC ay “it is not in the business […]

  • China Coast Guard responsible sa jamming signal

    INAKUSAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas ng ilang beses sa mga kinakailangang operasyon  sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat.     Sinabi ni PCG spokesperson for the West […]

  • Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque

    EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.   Hindi naman nabanggit niSec. […]