• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PM Kishida nag-host ng banquet para kay PBBM, ASEAN leaders

IN-ENJOY mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng iba pang Southeast Asian leaders ang Japanese hospitality nang handugan ni Prime Minister Fumio Kishida  ang mga ito at kani-kanilang mga asawa ng banquet sa Asakasa Palace sa Tokyo, Biyernes ng gabi, Disyembre 16.

 

 

Si Kishida at kanyang asawa na si  Kishida Yuko, ay nag-host ng Japanese-themed banquet para kay Pangulong Marcos at iba pang  ASEAN leaders, na kasalukuyang nasa Japan para dumalo sa Commemorative Summit para sa ika-50 taon ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

 

 

Ipinakita sa banquet ang talento at artistry ng mga Japanese mula sa performance ng Japanese traditional drums at paggawa ng sushi sa  traditional craftsmanship sa paggawa ng “amezaiku” candy na inialok bilang mga regalo sa mga  ASEAN Leaders.

 

 

Bago ang  banquet, nagbigay muna ng kanyang mensahe si Kishida ukol sa “Peace and Prosperity through Co-creation based on Trust.”

 

 

Nagpahayag naman ito ng kumpiyansa na bagama’t sa gitna ng krisis, ang  Japan at ASEAN ay maaaring makahanap ng solusyon dahil sa kanilang malakas na relasyon ng pagtitiwala.

 

 

“Japan and the regional bloc have also grown together as partners to co-create a society and economy in which people from all walks of life can achieve and enjoy the middle-class dreams,” ayon sa prime minister.

 

 

“This relationship and cooperation allowed Japan and ASEAN to pursue “peace and prosperity,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran  pa rin ni Kishida na ang “co-creation at expansion” ng “better economies and societies” ay mas makaka-secure ng “free at open international order” base sa  rule of law.

 

 

Dahil dito, nanawagan si Kishida sa mga  ASEAN leaders na ipresenta sa buong mundo ang kanilang vision para sa future generations.

 

 

Samantala, sa isang Facebook post, kasama ng Pangulo ang kanyang asawa na si Unang Ginang  Liza Araneta-Marcos, nagpahayag ng pasasalamat sa  Japan para sa  “warm hospitality.”

 

 

“Beyond trade, culture, and security, we are partners in our values and aspirations. Thank you always, Prime Minister Fumio Kishida, for the warm hospitality,”  ang sinulat ng Pangulo na may emoticons ng Philippine at Japanese flags.

 

 

Ibinahagi naman ng Pangulo ang group photo ng mga ASEAN leaders at kani-kanilang mga asawa kasama si Kishida bago ang banquet dinner. Nakasuot ang Pangulo ng blue suit na may gray tie habang ang Unang Ginang naman ay nakasuot ng silver gray dress at overcoat.

 

 

Kapwa sila may pin ng Pilipinas sa may bandang kaliwang bahagi ng dibdib.

 

 

Maliban kay Pangulong Marcos at asawa nito, kay Kishida at sa asawa rin nito, dumalo rin sa  banquet sina Cambodian Prime Minister Hun Manet kasama ang kanyang asawa na si  Pich Chanmony, Indonesian President Joko Widodo, Lao Prime Minister Sonexay Siphandone kasama ang kanyang asawa na si  Vandara, at Brunei Sultan Haji Hassan Bolkiah kasama si  Prince Abdul Mateen.

 

 

Dumalo rin sina Malaysian Prime Minister Anwar bin Ibrahim  kasama ang kanyang asawa na si  Wan Aziz;  Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kasama ang kanyang asawa na si  Ho Ching; Thai Prime Minister Srettha Thavisin, Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, at East Timor Prime Minister Xanana Gusmao.  (Daris Jose)

Other News
  • Pagtanggap ni Vanessa Bryant sa Hall of Fame award ni Kobe naging emosyunal

    Naging emosyonal si Vanessa Bryant ng tanggapin nito ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame para sa pumanaw na asawang NBA legend Kobe Bryant.     Kasama niya sa stage si NBA superstar Michae Jordan.     Kahit na hindi na nagsalita si Jordan ay naging mahalaga ang presensiya nito sa taas ng stage dahil […]

  • Dahil pag-aari ang trademark na ‘Eat Bulaga’ at ‘EB’: TAPE, Inc., sinagot ang reklamong ‘copyright infringement’ ng TVJ

    SINAGOT ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.       Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng “Eat Bulaga” ang reklamo sa Marikina Regional […]

  • KRIS, looking forward na maka-face to face ang basher ni BIMBY

    SA Q&A session ng mag-inang Kris Aquino at Bimby noong nakaraang linggo, marami talaga ang pumuri sa anak niya lalo na sa pagiging smart sa pagsagot ng mga tanong.     Tinanong ni Kris si Bimby kung ano ang nararamdaman niya kapag may nababasang comment at tinatawag siyang gay.     “Wala I don’t really […]