49th MMFF Parade of Stars ginanap sa CAMANAVA
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAGDIWANG ang 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon para i-promote ang mga ito.
Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pamamagitan ng mga mensahe at pagbati mula kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, at mga mayor ng lungsod ng CAMANAVA na sina Mayor Wes Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Mayor Dale Gonzalo Malapitan, at Mayor Jeannie Sandoval na nagpahayag ng kanilang suporta sa taunang pagdiriwang.
Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa MMDA, sa pagbibigay ng oportunidad na maging bahagi ang Lungsod ng Navotas ng Parade of Stars. “Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!” aniya.
Matapos ang programa sa Navotas Centennial Park, sinimulan na ang parada ng mga makukulay na floats sakay ang mga artistang gumanap sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF kung saan sabik nainabagan sila ng kanilang mga tagahanga para personal silang makita at makakuha at mga videos.
Ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay kinabibilangan ng Firefly, When I Met You In Tokyo, Rewind, Broken Hearts Trip, Mallari, Penduko, Gomburza Family Of Two, K(a)mpon, At Becky & Badette. Ang MMFF 2023 ay bumalot sa makulay na kultura at kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng modernong pagkukuwento.
Nagtapos ang parada sa Valenzuela City na sinundan ng pagsasara ng programa at film showing sa Valenzuela City People’s Park and Amphitheatre kung saan dinumog ng tone-toneladang Valenzuelanos, kasama si Mayor Gatchalian para saksihan ang movie entries ng MMFF. (Richard Mesa)
-
2 anak, ginawang ‘reserba’… Mag-ama, mag-inang Umali, laban-laban sa Nueva Ecija
KINONDENA ng grupong Novo Ecijano: Bantay Boto Movement (NE: BBM) ang umano’y ‘circus’ sa pulitika sa lalawigan ng Nueva Ecija, kung saan tila buong angkan na umano ni Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali ang tatakbo sa Halalan 2025. Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), anim na Umali ang naghain ng Certificate […]
-
EXHIBITION FIGHT NINA HATTON AT BARRERA TULOY NA SA HUNYO
KINUMPIRMA ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera. Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England. Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy. Sa kanyang social […]
-
Pareho kasing competitive sa iba’t ibang bagay: MIKEE, mas gusto na may pinagtatalunan sila ni PAUL
SINABI ni Mikee Quintos na mas gusto raw nito na may pinagtatalunan sila ng boyfriend na si Paul Salas kesa sa nagkakasundo sila. Pareho raw kasing competitive sa iba’t ibang bagay ang dalawa at ito ang mas nagpapatibay ng kanilang relasyon. Kuwento ni Paul, “kasi ‘yung pagiging competitive naman namin, alam […]