• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seal of Good Local Governance nasungkit ng Valenzuela

DAHIL sa pangako nitong itaguyod ang integridad at huwarang serbisyo publiko, nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

Sa city passing rate na 43%, ang Valenzuela City ay isa 11 sa 17 na lungsod sa National Capital Region (NCR) na kinilala sa pagpasa sa “All-in” assessment approach sa sampung pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; BusinessFriendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

Sa kanyang pangunahing mensahe, pinuri ni DILG Secretary Atty. Benhur Abalos ang lahat ng pumasa sa SGLG sa pagtatasa sa taong ito.

 

 

“Kaya sa inyo na 493 SGLG passers, nawaý ibahagi po ninyo ang inyong kwento sa ating mga kapwa local official. Kapag may mga pagtitipon o pagsasanay, nawa’y pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan kung paano mas mapahusay ang mabuting pamamahala.” pahayag niya.

 

 

Bukod sa prestihiyosong SGLG marker, nag-uwi din ang Valenzuela ng SGLG Incentive Fund na PhP 2.3 Million na eligibility para sa antas ng lungsod upang tustusan ang mga high-impact local development projects na sumusuporta sa sampung lugar ng pamamahala.

 

 

Sa isang panayam, ibinahagi ni Mayor Gatchalian ang kanyang pananabik sa pagpanalo ng SGLG sa kanyang administrasyon.

 

 

“Very meaningful ng araw na ‘to, dahil first-time nating nanalo ng SGLG. Isang karangalan sa’kin bilang Ama ng Lungsod, na nakuha po natin ito, and this, for me, is a motivation to do better in the next years.. Congratulations and thankful to my department heads, City Hall staff, and to the City of Valenzuela for attaining our first SGLG.” ani Mayor Wes.

 

 

Ang SGLG Act of 2019, ay isang institutionalized award, incentive, honor, at recognition-based program na naghihikayat sa mga LGUs na commitment na umunlad at mapabuti ang kanilang performance. (Richard Mesa)

Other News
  • Paradigm Sports, nagbabala vs sinumang nangingialam sa boxing career ni Pacquiao

    Tahasang binalaan ng management firm ni Sen. Manny Pacquiao na Paradigm Sports ang mga nanghihimasok umano sa boxing career ng eight-division champion.     Sa isang pahayag, binanatan ni Paradigm Sports president Audie Attar ang umano’y mga “shady characters” na pilit nangingialam sa business dealings ni Pacquiao na wala ang kanilang pahintulot.     Iginiit […]

  • PBBM iaangat ang ugnayan ng Pinas sa China

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing.     “I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring […]

  • Health protocol violators, tumaas kasunod ng pagluluwag sa restriksyon sa NCR

    TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa Metro Manila, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.     Ito ay kasunod ng pagbababa sa Alert Level 1 sa buong National Capital Region (NCR).     Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe […]