Face mask sa Simbang Gabi, hinirit
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses.
Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.
Pinaalalahanan din ng simbahan ang mga maysakit na huwag nang makihalo sa ibang tao at manatili na lamang sa bahay para magpagaling.
Dumagsa kahapon ang milyong mga Katoliko sa mga simbahan sa opisyal na pag-uumpisa ng Simbang Gabi. Nag-uumpisa ito tuwing Disyembre 16 at nagtatapos ng Disyembre 24.
Tiniyak ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.
-
Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan
2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal. Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay. Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago […]
-
Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M
HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf […]
-
Lola patay sa sunog sa Caloocan
ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw. Natagpuan ang katawan ng biktimang si Joanna Macawili, 65, ng mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) sa bathtub ng nasunog nilang bahay sa Marigold Street, BF Homes, Barangay 168. […]