• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.

 

 

Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng pamahalaan na magkaron ng modernization ang mga pampublikong transportasyon.

 

 

“We are prepared to enforce measures to ensure passengers will experience minimal inconvenience,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Patuloy na sinusubaybayan ng inter-agency task force na binubuo ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at MMDA ang mga kaganapan sa welga sa command center ng huli sa MMDA Metrobase sa Makati.

 

 

Noong nakaraang Dec. 14-15, ang pamahalaan ay naalerto dahil ang mga nagwewelgang drivers ay nanggugulo sa mga kasamahan nilang drivers na hindi sumasama sa kanilang welga. Sinisigawan at inaalis ang signages na nakalagay sa windshield ng mga PUJs. Sa Taguig naman, ang mga gulong ng ibang modern jeepneys ay tinusok ng mga pako galing sa mga nagwewelgang drivers.

 

 

Subalit, mabilis na kumilos ang MMDA at mga kapulisan upang maiwasan pa ang patuloy na pangungulo ng mga grupo.

 

 

Samantala, nagkaron naman ng pagsisikip ng trapiko noong Dec. 15 dahil ang mga empleyado ay nakuha na nila ang kanilang sweldo at bonus kung kaya’t nagkaron ng “last-minute shopping” habang ang iba naman ay dumalo sa mga Christmas parties.

 

 

Inaasahan ng MMDA na magkakaron muli ng pagbigat ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayon darating na weekend kung saan magkakaron ng Christmas exodus ang mga motorista na maglalakbay papunta sa mga probinsiya ngayon kapaskuhan.  LASACMAR

Other News
  • Taliwas sa bali-balitang nag-react sa kanyang look: Pagganap ni BEA sa ‘Start-Up PH’, approved sa mga Korean producers

    ITINANGGI na nga ng isa sa executive ng GMA Entertainment Group ang akusasyon ni Manay Lolit Solis na nag-react daw ang Korean producers ng “Start-Up’ sa look ni Bea Alonzo na bidang babae sa Pinoy adaptation ng serye.     Ayon Vice President for Drama Production na si Ms. Cheryl Ching-Sy, “it is not true. […]

  • Lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa estudyante, binitbit

    DINAMPOT  ng pulisya ang isang lalaking wanted sa pagnanakaw at pananaksak sa isang 17-anyos na estudyante noong nakaraang taon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Sinilbihan ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon […]

  • Pacquiao sa posibleng Spence vs Ugas bout: Walang problema sa akin

    Walang nakikitang problema si Sen. Manny Pacquiao sa napabalitang laban nina Errol Spence at Yordenis Ugas.      Magugunitang umatras si Spence sa laban nila ni Pacquiao kamakailan dahil sa injury nito sa mata dahilan kung bakit si Ugas ang nakasagupa ng Pambansang Kamao noong Agosto 22 (araw sa Pilipinas).     Sa kanyang pagdating […]