• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P18K SRI sa halip na P20K ang maibibigay lang ng DepEd

SINABI ng  Department of Education (DepEd) na P18k lamang sa halip na P20,000  halaga ng Service Recognition Incentive (SRI)  ang maibibigay nito sa mga kuwalipikadong  guro at iba pang teaching personnel.

 

 

“Ayon po sa ating AO (Administrative Order) ‘no, talagang ito SRI, we will source it sa PS (personal) savings or ‘yung ginagamit natin for personnel. At ‘yun lang po talaga. We really tried to look at the numbers, we tried to see if we could give P20 [thousand] pero P18 [thousand] po yung maximum na mabibigay natin,” ayon kay Education spokesperson Undersecretary Michael Poa.

 

 

“Ganoon pa man, it’s significantly higher sa nabigay natin last year,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Poa  na ang  tax deductions sa P18,000-SRI ay dahil sa tax laws at hindi  DepEd policy.

 

 

“‘Yung tax naman po ay nasa tax laws talaga natin ‘yan, ‘no, na kapag nag-exceed ng P90,000 ang benefits na natatanggap ng kahit sinong empleyado ay nagiging taxable po siya. So hindi po DepEd policy ‘yung tax. It is really in our tax laws,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Poa na hindi maiko-convert ng DepEd ang  budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng departamento sa  Personal Services (PS) dahil gagamitin ito sa susunod na taon.

 

 

“Siguro ang nasasabi nila ‘yung mga programa na MOOE ay pwedeng i-convert to PS. Kaya lang po, ‘no, ‘yung mga budget kasi natin ay continuing. Gagamitin pa po natin siya next year,” ani Poa.

 

 

Nauna rito, sinimulan na ng school division offices at iba pang  implementing units ang pagbabayad at pamamahagi ng cash.

 

 

Pinaalalahanan naman ng  DepEd ang regions na gawing maayos ang distribusyon.

 

 

“We are constantly monitoring. Siyempre kinausap po natin ‘yung mga regions to make sure that they have procedures in place para hindi naman po mahirapan ang ating mga teachers,” anito.

 

 

May 7 rehiyon na ang nagsimula ng kanilang distribusyon.

 

 

“Sa NCR ang latest update po natin ay they are just checking, ‘no, ‘yung amount and, of course, ‘yung tax reductions and all that. And they are looking to distribute as soon as possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Siyam na Bulakenyong aplikante sa Singkaban Job Fair, natanggap sa trabaho

    LUNGSOD NG MALOLOS – Siyam na Bulakenyo na naghahanap ng trabaho ang matagumpay na nakakuha ng trabaho sa 2024 Singkaban Job Fair for Local Employment na inorganisa ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) na naganap sa WalterMart Malolos sa Brgy. Longos noong Setyembre 13, 2024.     Mula sa 238 na mga rehistrado, pinahanga […]

  • Lakas-CMD dumarami ang miyembro sa House – Romualdez

    IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez na mahigit sa one-third ng 310 na mambabatas ng House of Representatives ay miyembro na ng ruling party na LAKAS-CMD.     Ayon kay Romualdez na mayroon ng 109 na Lakas-CMD members ngayon sa House.     Pinakahuling sumali ay sina Zamboang del Sur Rep. Victoria Yu, dating Nacionalista Party […]

  • Curry, Warriors ginulat sina LeBron at Lakers sa season opener

    Nagtala nang come-from-behind win ang Golden State Warriors upang gulatin ang Los Angeles Lakers, 121-114 sa pagbubukas ng bagong season ng NBA.       Dinala ni Stephen Curry ang Warriors gamit ang triple double performance na may 21 points, 10 rebounds at 10 assists upang makarekober ang team at magtala ng unang panalo.   […]