Same sex couples, may blessing na sa Vatican
- Published on December 21, 2023
- by @peoplesbalita
APRUBADO na ng Vatican noong Lunes ang mga pagpapala para sa same-sex couples, isang pinagtatalunang isyu sa Simbahang Katoliko, hangga’t wala sila sa mga kontekstong nauugnay sa mga civil union o kasal.
Sa dokumentong aprubado sa ni Pope Francis , sinang-ayunan ng Vatican ang posibilidad ng pagpapala para sa magkapareha sa irregular na sitwasyon at para sa magkapareha ng same sex.
“One should not prevent or prohibit the Church’s closeness to people in every situation in which they might seek God’s help through a simple blessing,” saad ng papa.
Ngunit sa dokumento na inilathala ng Vatican faith department ay hindi nagbabago sa paninindigan ng Simbahang Katoliko sa mga kasal o unyon ng parehong kasarian.
Inulit nito ang matagal nang paninindigan na ang kasal ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae, para sa layunin ng pagkakaroon ng mga anak — at nagsasabing walang mga pagpapala ang dapat ibigay na nakakalito sa isyu.
Ngunit ito ang unang pagkakataon na binuksan ng Vatican ang daan nang malinaw sa pagpapala ng magkaparehas na kasarian, na naging pinagmulan ng tensyon sa loob ng simbahan.
Karaniwang isinasagawa ng isang pari ang isang pagpapala na binubuo ng paghingi ng kabutihan ng Diyos sa isang tao.
Ang mga konserbatibong Katoliko partikular sa Amerika ay mahigpit na tinututolan ang pagpapala sa same-sex couples. GENE ADSUARA
-
Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF
Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue. Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering. Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]
-
UAAP may bagong rules sa Season 87
Simula sa Season 87, ipatutupad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong patakaran para sa mga student-athletes na nagnanais lumipat ng unibersidad. Pormal nang inihayag ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pasya ng Board of Managing Directors sa press conference kahapon sa Novotel. Base sa bagong […]
-
DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera
NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation […]