DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o makadalo sa online classes, hindi raw dapat ito ang maging permanenteng sitwasyon.
Paliwanag pa ni Briones, maliban sa mahal ay may negatibo ring epekto sa kalikasan ang paggamit ng mga modules.
“May implikasyon kasi ang dependence sa modular learning dahil baka uubusin natin ‘yong mga puno natin sa kaka-produce [ng learning modules]. ‘Yong demand for paper [is high],” wika ni Briones.
“In the long run… talagang mas expensive ang modular,” dagdag nito.
Dagdag pa ng kalihim, dapat na magkaroon ng hakbang para maipakilala sa mga kabataan ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral upang hindi mapag-iwanan ang mga Pilipinong estudyante.
“Nakakatulong talaga ‘yong mayroon nang exposure at may karanasan ang kabataan natin sa online at saka sa technology,” ani Briones.
Batay sa isinagawang survey ng DepEd, mas nais ng mga magulang ang modular learning bilang distance learning modality na gagamitin ng kanilang mga anak sa pasukan.
-
Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round
Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida. Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans. Pagpasok ng ikaanim na round ay doon […]
-
May thanksgiving fans day: BARBIE at DAVID, magkaka-movie at bagong teleserye
SIMULA na ngayong gabi ang huling linggo ng GMA-7’s top-rating historical fantasy portal drama series na “Maria Clara at Ibarra.” Kaya nagpasalamat si Tirso Cruz III, who portrayed the role of Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara sa “Noli Me Tangere,” ang librong isinulat ni Dr. Jose Rizal. […]
-
Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level
DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong. “As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and […]