• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seal of Good Local Governance muling nakamit ng Navotas

MULING nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sa ikalimang pagkakataon.

 

 

Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at City Administrator Christia Padolina, ang parangal sa Manila Hotel.

 

 

“We are more than honored to receive another seal from the DILG, the highest recognition for LGUs. We are proud of what we have accomplished and, at the same time, humbled by the recognition,” ani Mayor Tiangco.

 

 

“We thank our fellow public servants in the city government and all other stakeholders for their constant support and cooperation. Ang award na ito ay para po sa bawat Navoteno,” dagdag niya.

 

 

Ang SGLG ay isang institutionalized award, incentive, at recognition-based program ng pambansang pamahalaan na naglalayong itaas ang kultura ng mabuting pamamahala.

 

 

Ang mga natatanggap na seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban din ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.

 

 

Natanggap ng Navotas ang SGLG noong 2015, 2017, 2019 at 2022 habang pinagkalooban din ang lungsod ng Gawad Kalasag para sa paghahanda at pamamahala sa kalamidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Tokyo 2020 Olympic chief tiniyak na mahigpit na babantayan ang COVID-19 cases

    Mahigpit na babantayan ng Tokyo 2020 organizing committee ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.     Ayon kay Toshiro Muto ang Tokyo 2020 chief na magsasagawa kaagad sila ng pagpupulong kung kinakailangan kapag lalong lumala ang bilang ng COVID-19.   Ilang araw kasi bago ang nasabing pormal na pagbubukas ng Olympics ay umaabot na […]

  • Malakanyang, pagsisikapan na makamit ang zero hunger, food security

    PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.     Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahalaan.     Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, […]

  • WIZARDING WORLD AT WAR IN THE NEW TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS THE SECRETS OF DUMBLEDORE”

    THIS April, his secrets can save the world.  Watch the latest trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” which has just been launched by Warner Bros. Pictures.     Check out the trailer below and watch “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” exclusively in Philippine cinemas April 16.     YouTube: https://youtu.be/m-klOyBx4QE     Facebook: https://fb.watch/bsDycbRBDY/ […]