• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike driver, kapwa ng Bisig ng Nayon, Brgy. 4, Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na isinailalim ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa validation ang mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga ito.

 

 

Nang positibo ang report, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon ng P12,500 halaga ng droga sa mga suspek.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-2:45 ng hapon sa P. Concepcion Street, Brgy. Tugatog.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, nakuha sa mga suspek ang isang brick ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 20.7 gramo ng hinihinalang shabu na nasa 140,760 ang halaga at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 12-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nagpaabot naman ng papuri si Gen. Gapas sa Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

    MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.     Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.     Isa […]

  • ‘The Innocents’ Trailer Takes a Dark Look at Kids With Superpowers

    IN the Marvel universe, a child discovering their powers might soon get a visit from Professor Charles Xavier to tell them everything is going to be fine.     In the European film The Innocents, however, discovering you have powers might be dangerous when there aren’t adults around to supervise – and maybe even if they […]

  • Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na

    APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code.       Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation […]