• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 3 most wanted person ng Navotas, timbog

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ananias, 34, ng Brgy., NBBS Kaunlaran at nakatala naman bilang Top 2 MWP sa Northern Police District (NPD).

 

 

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Maj. Danilo Esguerra Jr. saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Bidbid Street Barangay NBBS kaunlaran Navotas City.

 

 

Ani Maj. Esguerra, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana M.M.P. Lindayag Del Rosario ng Navotas City Regional Trial Court Branch 287 noong December 11, 2023, para sa kasong Murder under Article 248 of the Revised Penal Code (4 Counts).

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Navotas police sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA

    MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan.      Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center […]

  • Tuwang-tuwa nang makita at makapagpiktyur: RURU, wish na makapag-guest ang idol na si ROBIN sa upcoming series

    SI Ruru Madrid na nga ba ang susunod sa mga yapak ni Robin Padilla?     Si Ruru ang tinaguriang Action Prince ng GMA at si Robin ay nananatiling Action Superstar ng Pelikulang Pilipino bukod pa sa pagiging Senador.     At bata pa lamang si Ruru ay sobrang iniidolo na niya si Robin.   […]

  • QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

    Isang order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.       Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]