• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 200K job opportunities, nabuksan dahil sa pagbyahe ni PBBM sa ibang bansa

TINATAYANG umabot na sa 200,000 job opportunities ang inialok ng gobyerno sa mga Filipino dahil sa mga official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa DTI kung saan makikita na ang pagbyahe ni Pangulong Marcos sa ibang bansa noong 2022 ay nakalikha ng 7,100 job opportunities mula Indonesia (September 4-6); 14,932 job opportunities mula Singapore (September 6-7); at 98,000 job opportunities naman mula New York (September 18-24).

 

 

Bitbit din ni Pangulong Marcos pauwi ng Pilipinas noong nakaraang taon ang 5,500 job opportunities mula sa kanyang naging pagbisita sa Thailand noong November 16-19; at 6,480 job opportunities mula Belgium (December 11-14); at 730 job opportunities mula naman sa Netherlands (December 15-17).

 

 

Para naman sa taong 2023, sinabi ng DTI na ang pagbisita ng Pangulo sa China noong January 3-5 ay nagbukas ng 32,722 job opportunities; 24,000 job opportunities mula Japan (February 8-12); 6,386 job opportunities mula Washington, DC (April 30-May 4); at 8,365 job opportunities mula Malaysia (July 25-27).

 

 

Ang naging byahe naman ni Pangulong Marcos sa Singapore on September 14-17 also yielded 450 job opportunities; 2,550 job opportunities from the United States (November 14-17); and 15,750 job opportunities from Japan (December 15-18).

 

 

Samantala, umabot sa P4.019 trilyon o US$72.178 bilyong halaga ng mga pamumuhunan ang resulta ng mga pagbisita sa iba’t ibang  bansa ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi ng DTI na ang P4 trilyong halaga ng investments ay binubuo ng 148 na proyekto na karamihan ay nasa mga sektor ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.

 

 

Ayon sa DTI, ang mga business engagements sa pagbisita ng Pangulo sa Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay dumadagdag din sa US$263.08 milyon o P14B kabuuang halaga ng nine investments.

 

 

Mayroon ding tatlong nilagdaang kasunduan na nagkakahalaga ng US$85.07 milyon, at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga ng US$178.01 milyon.

 

 

Ang pagbisita ng Pangulo sa US para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco ay nagdagdag ng US$672.3 milyon (P37.2B) sa kabuuang proyekto.

 

 

Kabilang dito ang US$400M (P2.2B) sa telekomunikasyon, US$2M (P110M), artificial intelligence (AI); US$250M (P13B), manufacturing; US$20M (P1.1B), health sciences/pharma manufacturing/health services; US$300,000 (P16M), energy. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. De Lima pinayuhan si Pres. Duterte na tutukan na lamang ang problema sa COVID-19

    Sinagot ni Senator Leila De Lima ang naging patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay matapos na halos siya ang naging laman ng address to the nation ng pangulo nitong Lunes ng gabi.     Sa kanyang Twitter sinabi ng senador na marami na ang namamatay dahil sa COVID-19 ay kung […]

  • PBBM: Trabaho sa lahat ng Pinoy, pangarap ko

    PANGARAP umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga Filipino para hindi na sila mapilitang mag-abroad para lamang makapaghanapbuhay.     Sa pagharap ni PBBM sa Filipino Community sa Brussels, Belgium sinabi nito na kaya nagsisikap ang kanyang administrasyon na manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para mas maraming trabaho […]

  • Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run

    MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network?           Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at […]