• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M

HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.

 

Kabilang ang 68-70-69 patungo sa 283 lang score ng top Philippine pro golfer hambing sa Haponesa na pumoste ng stroke win (69-276) sa mga kalahing sina Na-Ri-Nee Inari (67-277), Ayako Kimura (69-277) at Hikari Tanabe (71-277), mga nagtabla para sa sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

 

Nakapagsubi si Nagamine ng top purse na ¥36M o katumbas ng P16.5M sa apat na araw na paluan sa loob ng 72 butas at nagsilbing panlimang torneo ng mayamang sport circuit na ito sa Asya.

 

May grasya pa rin ang Fil-Japanese rookie pro na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na ¥2,640,000 (P1.3M) sa pagmintis sa una niyang pagtatanga sa unang major title sa paliga.

 

Isa lang ang nai-birdie sa back nine ni Saso, nakatatlong bogey sa holes No.   10, 16 at 18th, at dalawa pa sa front nine sa ikaanim at ikapitong butas na pumigil sa hangad sana niyang pangatlong korona sa limang kompetisyon dito. (REC)

Other News
  • Walang banta sa buhay ni Teves-PBBM

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni […]

  • TONY, nakapagpiyansa na at nag-file na rin ng motion for reconsideration para sa kaso niya

    NAKAPAGPIYANSA ang kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca pagkatapos siyang kasuhan for aggravated acts of lasciviousness ng Makati Office of the City Prosecutor.     Sa kanyang statement to ABS-CBN News Monday, Labrusca’s counsel Joji Alonso affirmed that Labrusca is innocent of the acts of lasciviousness charge.     “We sustain that Mr. Labrusca […]

  • MARIAN, proud na proud sa latest business venture ni DINGDONG na maraming natutulungan

    SOBRANG sweet at maalaga talaga si Marian Rivera-Dantes sa kanyang asawa na si Dingdong Dantes kaya naman kinilig ang netizens at napa-’sana all’ na naman.     Pinost ni Dingdong ang inihandang healthy breakfast ni Marian at nilagyan niya ito nang nakakikilig na caption.     “I am launching something that is very close to […]