Higit 500K MT imported rice darating sa Disyembre at Pebrero – DA
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa mahigit 500,000 metriko tonelada ng imported na bigas ang inaasahang darating pa sa bansa bago magtapos ang taon hanggang sa Pebrero.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roger Navarro, Officer-in-Charge for Operations, hindi kakapusin sa supply ng bigas ang Pilipinas dahil paparating na ang mga karagdagang tone-tonelada ng bigas.
Sinabi ni Navarro, nasa 76,000 metriko tonelada ng bigas galing Taiwan at India ang nakatakdang dumating bago magtapos ang Disyembre 2023 at sa unang bahagi ng Enero 2024.
Ayon sa opisyal, ang nasa kalahating milyong metriko toneladang inimport na bigas ng mga pribadong sektor ay nagsimula nang dumating sa bansa bilang bahagi ng pagpapalakas ng supply nito para mapanatili ang stable na supply ng bigas bilang paghahanda sa matinding epekto ng El Niño phenomenom.
“We received reports that around 100,000 tons of imported rice has already arrived in the country. This is part of the 495,000 metric tons committed by import permit holders to Secretary Tiu Laurel,” ani Navarro.
Samantala, 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metriko tonelada ng bigas ang nai-deliver bago mag-Pasko na unang batch ng 40,000 bigas na donasyon ng Taiwan.
Sa huling linggo ng Disyembre hanggang unang bahagi ng Enero ay nasa 75,000 metriko tonelada naman ng bigas ang darating mula sa India. Una nang ipinagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati na puting bigas noong Hulyo upang palakasin ang kanilang domestic suppy at presyo nito.
Noong Oktubre ay muli namang inaprubahan ng India ang pag-export ng 1 milyong metriko tonelada ng bigas sa 7 bansa kabilang ang Pilipinas. (Daris Jose)
-
Handa nang sumabak sa pagpapa-sexy: ANDREW, nakatanggap din indecent proposal pero ‘di pinatulan
PUMIRMA ng kontrata sa Viva Artists Agency, Inc. at sa VMX, dating Vivamax, ang hunk actor na si Andrew Gan. “Actually, ang pipirmahan po namin is management contract at movie contract. So yung movie contract ko is mix po ng Vivamax at saka ng Viva Films,” sabi ni Andrew. At handa si Andrew […]
-
2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang
DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela. Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang Lungsod na […]
-
Ads February 21, 2024