Dating asawa, puwedeng makulong sa kasong isinampa: CLAUDINE, nagkaroon ng ‘battered wife syndrome’ at ‘post traumatic disorder’ dahil kay RAYMART
- Published on January 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIUSAP ang isang kaibigang Sharonian na sana raw tigilan na raw ng mga pamba-bash kay Megastar Sharon Cuneta.
After kasi ng mga kung anik-anik na emote ni Ate Shawie sa kanyang instagram account ay sunod sunod na binatikos ang megastar.
Pero aware naman ang kausap namin na hindi raw naman apektado ang isang Sharon Cuneta.
“Siya si Sharon Cuneta, kahit anong gagawin niya may masasabi sila. Kaya sa totoo lang mahirap maging isang Sharon Cuneta,” sey pa ng kausap namin.
Kamakailan lamang ay nag-post si Ate Shawie ng mga larawan nila ni dating senador Francis “Kiko” Pangilinan kasama ang tatlong anak nilang mag asawa na sina Frankie, Miel at Miguel.
May mga nam-bash naman agad sa nabanggit na post ni Ate Shawie but kahit may mga gumawa ng intricacies, still higit na mas marami ang natutuwa na nakikitang happy family ang mag-asawang Sen. Kiko at Ate Shawie with their three kids, huh!
***
NAPANOOD namin ang latest vlog ng TV host na si Luis Manzano last January 2, 2004 kung saan ang guest niya ay si Claudine Barretto.
Inilabas ni Claudine ang ilang taon na raw niyang ikinikimkim ng sama ng loob sa dating asawang si Raymart Santiago.
Kahit may nakatakdang may paghaharap sa korte sina Claudine at Raymart, still walang preno at tuloy ang pagsisiwalat ng una laban sa huli, huh!
Nagsampa raw ng kaso si Claudine na kung mapapatunayan ay pasok sa violence against women and children or VAWC ang reklamo against sa dating asawa.
Ayon pa sa aktres ay nagkaroon daw siya ng ‘battered wife syndrome’ at ‘post traumatic disorder’ dahil kay Raymart.
Kung mapapatunayan ay siguradong makukulong si Raymart, huh!
Pero napailing si Claudine dahil baka siya raw ay mahihirapan kung makikita niya sa kulangan ang ama ng mga anak niya dahil anytime at pwede na raw mag-isyu ng “warrant of arrest” ang korte once na maisampa ng kasong VAWC sa dating asawa.
(JIMI C. ESCALA)
-
ARIELLA, ilang beses nang nabigo kaya mas nagiging maingat na at baka muling madulas
KAYA naman daw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas. Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag […]
-
‘Pilipinas maaaring ‘di magpadala ng athletes sa 2021 Vietnam SEA Games’
Maaaring hindi na umano magkapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam. Ito ay kapag magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pinoproblema hindi lamang sa Southeast Asia kundi kundi maging sa buong mundo. […]
-
Naoko Yamada’s latest anime film, “The Colors Within,” arrives in PH cinemas on October 23
A heartfelt journey of friendship and music, the award-winning film “The Color Within” promises a breathtaking experience. From the visionary director of the beloved anime series “K-On!,” Naoko Yamada brings another heartwarming masterpiece to life with her latest film. Set to open in the Philippines on October 23, this beautifully crafted anime […]