2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga
- Published on January 11, 2024
- by @peoplesbalita
SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 na nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang 39-anyos na pintor na si alyas “Ef-Ef”, ng Bagong Silang habang nakaupo at naninigarilyo sa pampublikong lugar sa bangketa ng Bicol Area St. Brgy. 175 na isang paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang pinatayo siya ni P/Capt. Joel Pinon, team leader ng SS11, napansin nila ang nakasukbit na kalibre .38 revolver sa baywang ng suspek na walang kaukulang dokumento na dahilan ng kanyang pagkakadakip.
Dakong alas-11:35 naman nang sitahin ng pulisya ang tambay na si alyas “Angelito” 18, ng Bagong Silang, nang matiyempuhang umiihi sa pampublikong lugar sa Phase 4, Robis, Brgy. 176, na isa ring paglabag sa umiiral na ordinansa.
Nang hanapan ng identification card (ID) ng mga tauhan ni Col. Lacuesta ang binata para sa pagi-isyu sa kanya ng OVR, napansin ng pulisya ang nakasukbit sa kanyang baywang na isang paltik na pen gun na may bala ng kalibre .38.
Ang dalawang pasaway na lumabag sa umiiral na ordinansa ay kapuwa sinampahan ng mas mabigat na kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
31st Southeast Asian Games pormal nang nagsara sa isang makulay at magarbong programa
MAKALIPAS ang mahigit dalawang linggo, pormal na ring isinara kagabi doon sa Hanoi, Vietnam ang 31st Southeast Asian Games sa isang makulay at magarbong programa. Isinagawa ang selebrasyon sa indoor sports complex ng Vietnam na may capacity na 3,000 katao. Ito ay sinabayan naman ng pagbuhos ng ulan sa labas ng […]
-
“THE WOMAN KING” TO WORLD PREMIERE AT THE 47TH TORONTO FILM FESTIVAL
September 5, 2022 — TIFF (Toronto International Film Festival) is excited to announce that TriStar Pictures’ The Woman King starring Viola Davis will have its World Premiere at the 47th edition of the Festival this week. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E] The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]
-
‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits
DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes. Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm. The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who […]