• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanumpa na si Cong. Ralph bilang Sec. of Finance: VILMA, matagal nang sinusuyo para mapabilang sa mga kabinete ni PBBM

NANUMPA na noong Biyernes, Enero 12 bilang Secreatary of Finance ang asawa ni Star for All Seasons Vilma Santos na si Cong. Ralph Recto.

 

Kinuha at mismong si Presidente Ferdinand Marcos ang nakiusap kay Cong. Ralph na hawakan ng dating senador ang naturang posisyon.

 

Kaya iiwanan niya ang pagiging Deputy Speaker ng Kongreso at magiging isa sa kabinete ng administrasyong Marcos.

 

Malaki ang maitutulong ni Cong. Ralph bilang bagong Secretary of Finance.

 

Pero sa totoo lang, ayon pa sa source namin, hindi lang naman si Cong. Ralph ang kinakausap ng administration ni PBBM kundi pati si Ate Vi, na matagal na ring sinusuyo para mapabilang sa mga kabinete ng kasalukuyang administrasyon.

 

Isang importanteng posisyon na may kinalaman sa industriya ng pelikula at television ang hahahawakan daw ng tinanghal na Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

Pero pinag-iisipan pa rin ito ng Star for All Seasons and knowing Ate Vi, ayaw niyang basta na lang hahawak ng isang posisyong hindi niya muna pag-aaralan.

 

***

 

SPEAKING of Ate Vi, nasa cloud nine pa rin siya, hindi dahil sa tinanggap na best actress kundi tuwang-tuwa siya dahil sa super tinangkilik ng moviegoers ang MMFF.

 

Nalampasan na ng sampung pelikula, na kasalukuyang nasa mga sinehan pa rin, ang kinita ng mga nagdaang Metro Manila Film Festival.

 

Hindi lang naman pelikula nila ni Christopher de Leon ang ipinagdasal ni Ate Vi kungdi ang maibalik ang moviegoers na manood ng pelikulang Pilipino.

 

Samantala, mukhang tuloy daw ang pagdalo ni Ate Vi sa kauna-unahang Manila International Film Festival, kung saan ipalalabas ang sampung pelikula ng 2023 MMFF.

 

Magsisimula ito sa January 29 hanggang February 2 sa Los Angeles, California.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Mas magaling mandeadma kesa kay Lotlot: JANINE, waging Best Actress pero balitang break na sila ni PAULO

    EVENTFUL para sa amin ang November 26, 2023, Linggo ng gabi.     Sinamahan namin si Lotlot de Leon na pumunta sa Aliw Theater sa Roxas Boulevard para maging presenter sa 6th The EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED na karamihan sa mga opisyales at miyembro ay mga kaibigan namin.   […]

  • P9 pa rin ang minimum na pamasahe

    MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.       Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe […]

  • $600 milyong infrastructure deal naisara sa Japan trip

    NAKAKUHA ng $600 milyong infrastructure investment ang Pilipinas mula sa mga Japanese investors.     Ito’y matapos magkasundo ang Filipino business tycoon na si Manny V. Pangilinan at major Japanese investor na Mitsui & Co. na mamuhunan sa sektor ng imprastraktura.     “We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to […]