• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 9 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa manhunt ops

HIMAS-REHAS ang 35-anyos na binata na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Jaypee”, 35 ng Brgy. Ugong at nakatala bilang top 9 most wanted person sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na muling naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar matapos itong magtago makaraang sampahan ng kasong pangmomolestiya sa isang menor-de-edad.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna P/Lt. Ronald Bautista, kasama ang NDIT-RIU NCR saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:35 ng hapon sa Lamesa Street, Barangay Ugong.

 

 

Ani Lt. Bautista, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City noong August 24, 2023, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (b) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong nagkasala na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na pansamangtalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 arestado sa P119K shabu sa Valenzuela

    MAHIGIT sa P.1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug personalities sa buy bust operation at sa isang checkpoint sa Valenzuela city.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong mga suspek na si Ricardo Carriedo, 45 ng 292 Canumay West at […]

  • Ads February 2, 2023

  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.     Ngayong taon, sunud-sunod na umabot […]