Nasita sa helmet, rider buking sa droga sa Valenzuela
- Published on January 13, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 42-anyos na factory worker matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), RA 10054 (Motorcycle Helmet law of 2009), Section 19 at 15 of RA 4136 (Failure to carry Driver’s License and OR/CR) ang naarestong suspek na si alyas “Jerome”, ng N. De Galicia Street, Brgy. Maysan.
Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa pangunguna ni P/Cpt., Ritchie Garcia sa Sabino Alley, Brgy. Maysan nang parahin nila ang suspek dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo dakong alas-11:55 ng gabi.
Hinanapan ng mga pulis ang suspek ng driver’s license at nang kunin niya at buksan ang kanyang coin purse ay nakita ni PCpl Noreen Muldong ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Kaagad siyang inaresto ng mga pulis saka kinumpiska sa kanyang na nasabing droga na nagkakahalaga ng P4,760 at nadiskubre din ng pulisya na walang driver’s license ang suspek at certificate of registration sa minamaneho niyang motorsiklo kaya binitbit siya sa selda. (Richard Mesa)
-
RECTOR JAMES WAN WAS THRILLED TO RETURN TO THE FAMILY OF “AQUAMAN” FOR THE SEQUEL “THE LOST KINGDOM”
FOR director James Wan, one of the highlights of helming the follow-up to the box office smash “Aquaman,” DC’s highest worldwide grossing film of all time, was getting back to work with the creatives, cast and crew that helped make the first film such a success. Says Wan, “I was thrilled to […]
-
MAINE, may katambal na rin sa comedy show nila ni VIC sa katauhan ni YASSER MARTA
FINALE night na mamaya ng romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose. Kaya mas excited na ang mga netizens kung ano ang gagawin ni Louie (Alden) para maipaghiganti ang mga pananakit na ginawa ni Eric (Sid) kay Lia […]
-
Best Philippine swimming team handa na sa national tryout
Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet. Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa […]