• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan

BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan.

 

 

Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo.

 

 

At dahil sa mga sweet photos na lumabas, inakala ng marami na iyon na ang prenup pictorial ng dalawa.

 

 

Kaya naman nilinaw agad ito ni Bea…

 

 

“Japan talaga yung favorite place namin,” umpisang pahayag ng aktres.

 

 

“Dun nag-start kasi yung love story namin. Yung pinunta namin is to ski. So, it was memorable kasi ang dami kong falls, ang dami kong ano. But then, everyday I was getting better.”

 

 

Sa ngayon, sa trabaho muna naka-focus si Bea, kaabang-abang nga ang pagsasama nila ng isa pang reyna ng GMA, si Carla Abellana sa “Widows’ War”.

 

 

Kuwento ni Bea, “It’s going to be an exciting soap because it’s my first time doing this genre.

 

 

“Yung ‘whodunit’ genre. Medyo dark siya, normally, nalilinya ako sa romcom or drama na heavy. But first-time na medyo dark.

 

 

“Nasa edge ka ng seat mo, ganun yung ibibigay niyang feeling sa iyo.”

 

 

***

 

 

GOOD news para sa Global Pinoys dahil aabot na sa UAE at California, USA ang screening ng 2023 MMFF Best Picture awardee na ‘Firefly’.

 

 

Mapapanood na sa ilang sinehan sa UAE ang ‘Firefly’ simula January 18. Kasama rin ang pelikula sa Metro Manila International Film Festival sa Los Angeles, California na ipalalabas mula January 29 hanggang February 2.

 

 

Talaga namang parami na nang parami ang nakatutuklas kung saan matatagpuan ang mundo ng mga alitaptap. Kaya naman, mga Kapuso mula UAE at California, USA, huwag sayangin ang pagkakataon!

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 37 Chinese nationals inaresto sa loob ng subdibisyon

    INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang labin-pito na mga Chinese nationals na hinihinalang sangkot sa illegal na pagbebenta sa Parañaque City.     Sa ulat  kay BI Commissioner Norman Tansingco ni  intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang 37 na Chinese nationals ay inaresto sa loob ng Multinational Village sa  […]

  • WRITERS OF “A QUIET PLACE” ARE NOW FULL-FLEDGED DIRECTORS OF “65”

    SCOTT Beck and Bryan Woods previously triumphed as part of the writing team of A Quiet Place, which took audiences by storm in 2018.       Now, the tandem writes and directs Columbia Pictures’ new futuristic action-thriller 65, starring Adam Driver.     [Watch spot from 65 at https://youtu.be/_daxPsNkIoQ]     “Horror, suspense, action, adventure – that’s the sweet […]

  • Pinalalagay na para ito sa hosts ng ‘It’s Showtime’: Pagpapatutsada ni JANUS sa kanyang IG post, maraming naangasan

    MAY mga naantipatikuhan at naglabas ng galit sa post ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account.   Napakasarkastiko raw kasi ang ginawang pagtanong ng aktor sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.   “‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba […]