• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers

HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang  deployment ban sa health workers,

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na  pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang  medical workers na may kontrata na nilagdaan “as of Aug. 28” subalit kailangan na konsultahin muna si Pangulong Duterte.

 

“Kinakailangan po muna konsultahin ang Presidente kasi ‘yung desisyon po na mag-impose muna ng moratorium ay desisyon po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ayaw naman po namin pangunahan po ang ating Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Tanging ang mga  health care workers na may existing employment contracts “as of March 8, 2020” ang pinapayagan lamang na magtrabaho sa ibang bansa dahil ang Pilipinas bilang key exporter ng mga  nurses at iba pang medical workers,  ay  nagpapanatili ng  reserve force ng medical workers para labanan ang  COVID-19 pandemic.

 

May mga grupo na kasi ng mga nurse at  medical workers  ang nanawagan sa pamahalaan na i-lift ang deployment ban. (Daris Jose)

Other News
  • Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan

    NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, […]

  • Dahil sa 12 days suspension ng ‘It’s Showtime’: Chair LALA, natulog at nagising sa mga mura at sumpa ng netizens

    NAKU, ‘under fire’ ang MTRCB ngayon dahil sa ipinatang nilang 12 airing days suspension sa ‘It’s Showtime.’       Hindi ito pumabor sa netizens, lalo na siyempre sa mga madlang people. Mas marami ang naniniwala na hindi raw makatarungan ang ginawang suspension sa ‘It’s Showtime’, kahit pa isinama na rin ang diumano’y iba pang […]

  • Ads October 15, 2022