• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

 

 

Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga benepisaryo sa isinusulong na charter change (Chacha).

 

 

“Hindi po puwede na ipangako po ‘yan dahil mayroon pong proseso—nagkakaroon ng profiling kung eligible ka, at dapat masunod din ‘yung mga requirements sa documentation ng ating Commission on Audit,” paliwanag ni Laguesma.

 

 

Nagpahayag din siya ng kalungkutan na nadadawit ang TUPAD sa mga ali­ngasngas sa Chacha gayung layunin nito na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababayan na dumaranas ng hirap.

 

 

Iginiit ng kalihim na may mga “safeguards” na nakalagay sa programa para sa maayos na implementasyon nito, kabilang ang ebalwasyon sa mga benepisaryo at koordinasyon sa mga regional offices at mga lokal na pamahalaan.

 

 

“Ito po ay cash-for-work, hindi po ito ‘yung dole out lamang – ito po’y pinagtatrabahuhan at mayroong minimum at maximum period at lagi po ang sweldo rito ay bumabatay sa exis­ting na minimum wage sa anuman pong rehiyon na mayroong programa ang DOLE na TUPAD,” ayon pa sa Laguesma.

 

 

“Hindi pahihintulutan ng DOLE na kami’y maging kasangkapan sa mga gawaing hindi naman angkop sa batas,” dagdag pa ng kalihim.

 

 

Nagbabala siya sa sinuman na mapapatunayan na ginagamit ang TUPAD sa ibang layunin ay ididiskuwalipika sa paggamit ng pondo ng programa. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB walang operasyon, 20 empleyado may COVID

    Suspendido muna ang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ngayon may pinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).       Ayon sa LTFRB maliban sa restrictions sa ilalim ng MECQ nalaman rin na may 20 empleyado sa central office nito ang nagpositibo sa COVID.       Ganon […]

  • Netizens, tuwang-tuwa at kinakiligan ang photos nila: ZANJOE, parang nag-dyowa reveal sa IG post kasama si RIA

    KINAKILIGAN at pinusuan ng mga netizens ang latest IG post ni Zanjoe Marudo na kuha sa Japan na kung saan kasama ang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia at si Ria Atayde na pinagdududahang karelasyon niya ngayon.   Sa series of photos, makikita nga na magkasama ang dalawa, bukod sa pampa-good […]

  • Pagiging kulelat ng Pinas sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking, binigyang katwiran ng Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na ang kakulangan sa country-specific gauge at matinding kahalagahan sa reopening progress ang dahilan kung bakit napaulat na ang Pilipinas ay itinuturing na “worst” o kulelat pagdating sa pandemic resilience sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking.   Tinukoy ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg […]