• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN

PERPEKTONG destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Sinabi ni Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, at pamamaraan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN, nag-uugnayan ang mga ito upang matugunan ang mga hamon na kapwa nila kinakaharap.

 

 

“And that’s why it’s not such a big surprise that after the COVID pandemic we the ASEAN emerged as the bright spot in the global economy of course I’d like to put the Philippines up front,” ani Speaker Romualdez, isa sa mga panelist ng “Learning from ASEAN” session sa World Economic Forum Annual Meeting live panel discussion kung saan host ang CNN anchor na si Julia Chatterley noong Miyerkoles ng hapon (oras sa Switzerland).

 

 

Inaasahan na mananatili ang ASEAN bilang rehiyon na may pinakamabilis na pag-unlad ang ekonomiya sa mundo at magsisilbing malaking bahagi ng pag-angat ng Asia-Pacific sa susunod na dekada.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Romualdez sa lider ng iba’t ibang international business groups sa isang breakfast roundtable discussion ang mga hakbang na gagawin ng Pilipinas upang alisin ang limitasyong sa dayuhang pamumuhunan na nakasaad sa Konstitusyon.

 

 

Inanunsyo rin ni Speaker  ang paglulungsad ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa—ang Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Gagamitin ang MIF upang agad na magawa ang mga proyekto at programang kinakailangan ng bansa na magpapalakas sa ekonomiya, lilikha ng mapapasukang trabaho at magpapahupa ng kahirapan sa bansa.

 

 

Ang pondo ay estratehikong ilalagay sa mga sektor na magtutulak ng multi-generational growth, partikular sa sektor ng enerhiya, food security, physical connectivity, teknolohiya, at napapanatiling paggamit ng pambansang yaman.

 

 

Sinabi ni Maharlika Investment Corporation CEO Rafael Consing, Jr. na ginawa ang MIF na maging pangmatagalan at epektibo.

 

 

Dagdag pa nito, ang pamamahala sa MIF ay nakaayon sa pinakamahusay na kasanayan sa mundo kung saan tinitiyak na ito ay transparent, may pananagitan at sumusunod sa pinakamataas na pamantayan. (Ara Romero)

Other News
  • ‘Deadpool 3’ Can Finally Give Hugh Jackman’s Wolverine A Comic Accurate Yellow Suit

    NOW that Hugh Jackman is returning for Deadpool 3, the new movie could finally be where he gets Wolverine’s comic accurate yellow suit.   It was thought that Jackman was done with his iconic Marvel role after 2017’s Logan killed Wolverine, but Ryan Reynolds and the Deadpool franchise have changed that. The sequel comes from […]

  • Marcos Jr. hinikayat ang Korte Suprema na ibasura ang COC cancelation petition

    HINIKAYAT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na nananawagan na kanselahain ang kanyang certificate of candidacy (COC) na inihain laban sa kanya ng civic leaders.     Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ayon kay Marcos Jr. ang may hurisdiksyon na tingnan ang kanyang “eligibility.’     “[I]t […]

  • Ads February 4, 2022