• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, mananatiling “top rice importer” sa buong mundo — USDA

MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.

 

 

Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).

 

 

Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.

 

 

Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.

 

 

Sinasabi pa rin sa ulat na nakikitang tataas naman ang rice imports ngayong taon ng mga bansang gaya ng Afghanistan, Angola, Bangladesh, China, Democratic Republic of the Congo, Cuba, Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya, Madagascar, Malaysia, Mexico, Nepal, Pilipinas, Saudi Arabia, Sierra Leone, United Arab Emirates, United Kingdom, United States, at Yemen.

 

 

Sa kabilang dako, ayon naman sa data ng Bureau of Plant Industry na may petsang Enero 11, nag-angkat ang Pilipinas ng 3.6 milyong metriko tonelada ng bigas, bahagyang mas mababa noong 2022 na may 3.8 metriko tonelada.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na plano ng pamahalaan na i-secure ang rice trade agreement nito sa Vietnam noong panahon na nag- state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang pag-angkat ng bigas mula sa Cambodia para mapanatili ang suplay ng bigas sa gitna ng nagbabadyang epekto ng El Niño.

 

 

Winika naman ng Malakanyang na target ng Cambodia na makakuha ng 1% share ng market ng imported rice sa Pilipinas ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • THE DALLAS ZOO RE-NAMES ONE OF ITS NILE CROCODILES LYLE IN CELEBRATION OF COLUMBIA PICTURES’ UPCOMING “LYLE, LYLE, CROCODILE”

    DALLAS, September 13, 2022 — In celebration of the release of Columbia Pictures’ motion picture “Lyle, Lyle, Crocodile” based on the beloved book series by Bernard Waber and starring Academy Award winner Javier Bardem, Constance Wu and Shawn Mendes, the Dallas Zoo re-named one of its Nile crocodiles Lyle for the day.     The […]

  • Isko iginiit si Doc Willie pa rin kanyang VP

    NANINDIGAN  si 2022 presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na si Dr. Willie Ong pa rin ang kanyang katambal sa pagkabise presidente — ito kahit nangampanya siya sa Mindanao kasama ang mga nagsusulong ng Isko-Sara Duterte tandem.     Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kandidato […]

  • History Is Still Written: The Story of ‘Maid in Malacañang’ Continues

    “MARTYR or Murderer”, the sequel to Darryl Yap’s Mega Blockbuster hit “Maid in Malacañang” is showing in cinemas on March 1, 2023.   And as expected, there is great rejoicing over this film coming from the director’s followers and supporters who made #MOMTheOfficialPoster trend for two days upon its official release on Monday, January 30. On […]