• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa, ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba.

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga deboto ng Holy Child na mapagtagumpayan at pasiglahin ang socio-economic growth sa kanilang lungsod at mas i-develop pa ang pagpapaunlad sa industriya sa Cebu.

 

 

“To the millions of devotees, I urge you to translate your faith into action so that you may spread the message of hope, love and joy to others. Most importantly, always pray for spiritual strength and fortitude to overcome whatever challenges and difficulties that may lie ahead,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Looking forward, I ask all of you to work hand in hand with this administration in maximizing all of the opportunities that will come before us in this New Year,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga deboto na mangyaring gabayan sila ng kanilang pananampalataya at inspirasyon ng bayanihan spirit para manatili ang kamalayan ng kanilang “Catholic at social obligations” para makamit ang hinahangad na tadhana tungo sa “Bagong Pilipinas that opens a better and more abundant life for all Filipinos.”

 

 

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati ang Pangulo sa mga Cebuano, nakiisa sa mga ito sa pagdiriwang ng Sinulog Festival, idinaraos tuwing buwan ng Enero upang ipakita ang kanilang debosyon sa Holy Child, Señor Sto. Niño.

 

 

Samantala, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang event bilang “one of the grandest and most colorful festivities in the Philippines” kung saan ang lahat ng mga Filipino anuman ang antas ng pamumuhay ay nagpapahayag ng kanilang labis na pasasalamat para sa mga himala, biyaya at hindi mabilang na tagumpay na ipinagkaloob sa kanila sa mga nakalipas na taon.

 

 

Para sa Pangulo, ito rin aniya ay isang “avenue to pray for good health, protection and prosperity in the year ahead.”  (Daris Jose)

Other News
  • Ibinuking ng kanilang ninong sa kasal: JERICHO at KIM, nakumpirmang 2019 pa naghiwalay

    NATULDUKAN na ang matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.     Ayon sa naging report ng ABS-CBN news sa interview nila sa ninong sa kasal ng mag-asawa na si Ricco Ocampo, inamin nito na noon pang 2019 hiwalay sina Echo at Kim.   Pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan […]

  • ‘Pinas mag-aangkat ng 25,000 MT isda mula dayuhan hanggang Enero 2023

    KAHIT  arkipelago ang Pilipinas at napapalibutan ng mga dagat, nakatakda na naman itong mag-angkat ng sanlaksang mga isda galing sa ibang bansa dahil sa ipatutupad na “closed fishing season.”     Ito ang sinabi ng special order 1002 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban nitong Huwebes.     “Dismayado kami na […]

  • Kaya super react ang mga netizen: KYLINE, tila may sagot na tungkol sa pagkakalabuan nila ni MAVY

    TILA mas sagot na si Kyline Alcantara sa lumalabas na tsismis na nagkakalabuan na sila Mavy Legaspi at parang nadadamay pa si Carmina Villrroel.      Bagamat pareho pa silang tahimik sa isyu… May pinost si Kyline tungkol sa pananahimik… “I was taught that keeping quiet kept the peace.  Until I realized, who’s peace is […]