• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahihirap na seniors, P1K na social pension sa DSWD simula Pebrero

SIMULA sa Pebrero ngayong taon ay makakatanggap na ng P1,000 monthly stipend ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget base na rin sa Republic Act 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens.

 

 

 

Sa ilalim ng RA 11916, ang pagbibigay ng 100% increase sa buwanang pension ng mga indigent senior citizens mula P500 hanggang P1,000 ay upang matulungan ang elderly na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

 

 

 

Nilinaw ni Lopez na maituturing na eligible sa programa ang isang senior citizen kung ito ay hindi tumatanggap ng monthly pension mula sa Social Security System (SSS), Go­vernment Service Insu­rance System (GSIS), Phi­lippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces at Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI), o sa kahit na anong private insurance company.

 

 

 

May kabuuang 4,085,066 indigent senior citizens ang sakop ng social pension program para sa taong 2024.

Other News
  • Chinese coach gagawing consultant ni Diaz

    Kung hindi makukum­binsi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz si Gao Kaiwen na bumalik bilang head coach ay kukunin na lamang niya ang Chinese bilang consultant.     Sinabi ni Diaz kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na planado na ang lahat sakaling piliin ng 64-anyos na si Gao ang kanyang pamilya […]

  • BBM LULUSOT VS DQ PETITIONS – FORMER ATENEO SCHOOL OF GOV’T DEAN TONY LA VIÑA

    MANANALO si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lahat ng petisyon na isinampa para kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy dahil sa ‘political doctrine’ na dapat ang taong bayan ang mag-desisyon at hindi ang mga korte.     Ito ang pahayag ni Atty. Tony La Viña, dating dean ng Ateneo School of Government, sa […]

  • Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens

    SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye.  Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV. Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen. Sey naman ni Jen […]