• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, sasabak sa susunod na eleksyon

NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon.

 

 

Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhin lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028.

 

 

Ang susunod na halalan sa bansa ay sa taong 2025, ito’y para sa Senate, congressional, at local seats.

 

 

Sa naging talumpati ni VP Sara sa isang event sa Davao City, sinabi nito na “I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election”, tinukoy ang kanyang mga kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, dismayado naman si VP Sara sa di umano’y “buying of signatures” para sa sinasabing people’s initiative para amiyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas.

 

 

Para kay VP Sara, insulto aniya iyon sa mga ordinaryo at mahirap na mamamayang Filipino.

 

 

Sumasalamin aniya ito sa karakter ng isang politician, sa isyu ng vote-buying tuwing eleksyon.

 

 

“So nakakasama ng loob na ginaganoon yung mga tao na kailangan pa suhulan para papirmahin sa people’s initiative ,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 21, 2020

  • KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY

    NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.     Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng […]

  • VCO trials nagpakita nang malaking pagbaba ng virus count sa mild COVID-19 cases

    Nakitaan ng malaking pagbawasa sa coronavirus count ng mga pasyenteng nakibahagi sa community trials para sa virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment sa mild COVID-19 cases.     Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sa pag-aaral sa isang pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna lumalabas na binawasan ng VCO ng […]