• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC at kung pinayagan ng gobyerno na makapasok ang mga ito sa bansa at kung makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC ukol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

 

 

“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I consider it as a threat to our sovereignty. The Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang media interview kasunod ng isang event sa Quezon City.

 

 

“However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila— that they do not come into contact with any agency of government,” dagdag na wika nito.

 

 

At kung ang ICC ay kumokontak sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng police personnel at local government, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang mga ito na huwag makipagtulungan sa mga kinatawan ng international body.

 

 

“Huwag niyong sasagutin, ‘yun ang sagot natin. That we don’t recognize your jurisdiction, therefore, we will not assist in any way, shape or form, any of the investigations ICC is doing here in the Philippines,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, pinahintulutan ng International Criminal Court ang hiling ng Prosekusyon na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong drug war sa bansa.

 

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber noong January 26, 2023 sinabi ng korte na hindi sila kumbinsido na seryoso ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang mga patayang naganap sa “war on drugs”.

 

 

Napaulat naman na nagsagawa ng pagsusuri sa giyera kontra sa droga ang Department of Justice sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa pamumuno ng noo’y justice secretary at ngayo’y solicitor general, Menardo Guevarra.

 

 

Hiniling din noon ng gobyerno na itigil na ng ICC ang imbestigasyon dahil may kakayahan naman daw itong magsagawa ng sariling pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso.

 

 

Dahil dito, pansamantalang ipinahinto ng ICC ang kanilang imbestigasyon noong Nobyembre 2021 subalit ayon sa ICC- matapos nilang suriin ang mga ebidensya mula sa Philippine Government, ICC Prosecutor at obserbasyon ng mga biktima- hindi sapat at hindi kongkreto ang mga ginawa ng gobyerno ng Pilipinas kaya ipinag-utos nila ang muling paggulong ng imbestigasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson

    Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.   Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.   […]

  • Ebon binuyangyang ang alindog

    PINANGALANDAKAN ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Lycha Ebon ang alindog nang ipasilip ang kanyang katawan sa social media kamakalawa.   Nakabihis ng orange one-piece swimwear, binalandra ng kaliweteng opposite spiker ang hanep na kurba habang nakaupo sa tabing dagat na pinaskil sa kanyang Instagram account.   Hindi naman […]

  • Actress Ina Feleo at Italian partner, ikinasal na

    Ikinasal na ang actress na si Ina Feleo at Italian partner nitong si James Gerva.   Iibinahagi ng matalik na kaibigan ng actress na si Rommel Dela Cruz, ang mga larawan at ilang kaganapan sa kasal.   Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Pinto Art Museum sa Antipolo.   Noong Hulyo 2019 ng inanunsiyo […]