BAGONG BASECO ESPLANADE BUBUKSAN
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
BUBUKSAN sa Maynila ang bagong “Baseco Esplanade” matapos ang tuloy-tuloy na total make over sa “Basura Beach” sa Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Frqncisco “Isko Moreno” Domagoso ,ang dating bay na puno ng Basura sa Baseco ay malinis na ngayon at hindi na “eyesore”, gayundin ang coastal area nito.
“Tulong-tulong po ang Department of Public Services (DPS) Baseco Beach Warriors, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Environment and Natural Resources sa cleaning operations. Hindi po tayo matatapos dito. Tuloy-tuloy lang ang ating pagkilos hanggang sa makamit natin ang isang maunlad, maganda at panatag na Maynila. Soon, we will develop the new Baseco Esplanade,” paniniyak ni Moreno sa residente ng Baseco.
Nabatid na nilagyan na rin ng lampposts ang baywalk area para maging maliwanag sa gabi at maging ligtas ang mga namamasyal sa bisinidad ng Baseco beach.
Nalaman ba inatasan ni Moreno si city engineer Armand Andres at city electrician Engr. Randy Sadac para i-recycle ang mga lampposts na tinanggal sa kahabaan ng Espana Boulevard sa Sampaloc.
“Ayoko pong sayangin ang pera niyong pinambili dito. May value pa naman po, sayang kung itatapon lang. Kaya po ini-atas ko na ayusin ang mga nasabing mga poste ng ilaw,” ayon kay Moreno.
Nabatid na ang Baseco area ay ginamit bilang dockyard ng National Shipyards and Steel Corp. Noong 1960’s.
Ang NASSCO ay binili ng Romualdez family via Bataan Shipping and Engineering Co. kung saan nagmula ang tawag sa lugar na Baseco.
Noong 1980’s, ang Baseco ay naging barangay ar rinirhan ng mga informal settlers hanggang dumagsa ang malaking bilang ng tao sa lugar na mga nagtayo ng mga barung barong kahit sa bundok ng basura.
Bago ang isinagawang reclamation ng kahabaan ng Roxas Boulevard na dati ay beach at ang Baseco beach na lamang ang natira sa dating beach na ibinabalik naman ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila. (GENE ADSUARA)
-
WHO IS MADAME WEB? THE CAST OF “MADAME WEB” TALK ABOUT THE HIGHLY ANTICIPATED SUPERHEROINE
“Madame Web is a truly dynamic character,” Dakota Johnson, who plays the titular superheroine in Madame Web, shares in a new featurette. In cinemas February 14, Madame Web is the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe. Who is Madame Web? Find out in this featurette: https://youtu.be/mqphr-F_z1I Madame Web tells the […]
-
Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license
SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC). Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon, kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via […]
-
FILMING A GREAT KILL SCENE IN A HORROR MOVIE IS A BADGE OF HONOR FOR “THANKSGIVING” DIRECTOR ELI ROTH
THE heart of any slasher movie is the kills, and Eli Roth – the genre’s maestro – would make sure that Thanksgiving reflected his best work. “Every kill had to meet our standards of scare and gore,” says the Thanksgiving director. “If the movie didn’t deliver on its promise, we’d be dead.” And Roth had the […]