• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw i-reveal kung ano ang magiging partisipasyon: RURU, walang problema na kasama na si MIGUEL sa ‘Running Man Philippines 2’

AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea.
“Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya sa wedding anniversary party nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil ongoing ang ‘Black Rider’ (kung saan magkasama sina Ruru at Gladys) ay new cast member ng RMP si Miguel Tanfelix na dating ka-loveteam ni Bianca Umali na kasintahan ngayon ni Ruru.
At paglilinaw ni Ruru sa mga nag-isip na pinalitan siya ni Miguel sa RMP, “Parang ano po, additional.”
Wala namang problema na magkasama sa RMP sina Ruru at Miguel at hindi naman raw kailangan ipagpaalam kay Ruru na isasali si Miguel sa show.
“Wala. Wala na pong paalam. I don’t think kailangan pa po ng paalam.
“Kasi, I mean… ang tagal na panahon na, di ba? “Parang wala nang isyu,” pahayag ni ni Ruru.
Sa tanong naman kay Ruru kung ano si Bianca sa buhay niya…
“Si Bianca ang buhay ko” ang masayang bulalas ng aktor.
Si Bianca raw ang babaeng pakakasalan niya.
“Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip. “It’s my final answer!
“Always and forever, yun ang sagot ko.
“I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na.
“Hindi naman natin alam kung ano yung mga mangyayari sa future but pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw,” napaka-sweet na sinabi pa ni Ruru.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Babae binastos ng manyak, nilamas ang dibdib sa bus

    Pinatunayan ng video na kuha ng isang netizen na kahit anong suot ng isang babae ay hindi ito ligtas sa mga manyak na naglipana sa mga public vehicle.   Sa tweet ni @tabanats, ipinakita nito ang panghihipo ng isang lalaking nakatabi niya sa bus habang binabagtas ang kalsada sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite.   Papunta ng […]

  • Del Monte Ave. to Fernando Poe, Jr. Avenue sa QC? Tama ba ‘to? Ano kaya ang sasabihin ni Da King tungkol dito?

    BIHIRANG bihira na magpanukala ng batas si Senator Lito Lapid kaya naman kapag mayroon ay mapupuna kaagad. Isa dito ang panukalang palitan ang pangalan ng makasaysayang Del Monte Avenue sa pangalan ng hari ng pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr. Marahil kung hindi ka taga San Francisco Del Monte, Quezon City, ay wa epek sayo ito […]

  • PDu30, bineto ang budget provision hinggil sa exlusion ng SUC lands mula sa agrarian reform

    BINETO (veto) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang exclusion ng lupaing pag-aari at inookopahan ng state colleges and universities (SUCs) mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng P5.024-trillion budget law para sa 2022.     Ang ginawang pag-reject o hindi pagtanggap ng Pangulo sa probisyon ay nakasaad sa kanyang veto message ukol […]